Saturday, November 10, 2012

behind those eyes -- chapter 3

Posted by Cassa at 6:57 AM 0 comments
Chapter 3
Alex.





Pinark ko na ang kotse ko sa jam-packed parking space ng The Thai Restau. Kanina pang lumabas sa kotse ko si Alexis na parang inis na inis talaga sa ginawa ko. Hindi na ko nagulat kung ganun ang reaksyon nya. Ee sino ba namang hindi? Inaksaya ko ba naman ang ilang minuto ng lunch break nya, kaya mejo katanggap-tanggap naman kung halos sumabog ang mukha nya dahil sa pamumula at inis sakin.

Damn! Ang tanga ko talaga! Pano sya matutuwa sakin kung ngayon pa lang ee bugnot na sya sakin? Hay nako Alexander Manio, you’re a stupid idiot moron~! Pag hindi lang talaga nag-enjoy si Alexis ngayon, nako! Ewan ko lang sayo~ Buong buhay kang magsisi sa kalokohan mo. Hay! Bahala na nga! One last shot. And this time kelangan ko ng  pagbutihan.

Naglakad na ko pabalik sa restaurant. Hindi na nakatayo sa may pintuan si Alexis na kanina’y nandun pa at naghihintay sakin. Siguro pumasok na sya sa loob. Pagpasok ko nakita ko agad sya sa isa sa mga table na malapit sa bintana. Nasisinagan ng liwanag ang mganda nyang mukha. Para syang isang anghel na nakadungaw sa langit at nagbabantay sa isang mortal na tulad ko. Ang ganda nya. Naglakad ako palapit sa kanya. Napalingon sya sakin at sumimangot.


Natatawa ako sa ka-cute-an nya. Siguradong badtrip pa rin sya sakin. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tapat nya. “ So, may napili ka na bang kainin?”

“ Meron na. In fact, naka-order na nga ako ii.”

“ Ganun ba? Ipapasunod ko na lang ang order ko.”

“ Wag na. Inorder na kita ng pagkaen.”

Napangiti naman ako. “ Salamat.”

Umirap sya. “ Whatever.” Umiwas sya sa tingin ko at bumalik sa pagtulala sa bintana.

Ilang minutong napuno ng katahimikan ang table namin. Sa dami ng gusto kong sabihin at itanong sa kanya, hindi ko alam kung san ako magsisimula.

“ Ahmmm. Alexis.” Hindi sya sumagot. Nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita. “ I know it’s too late for this pero ahmmm. Ako nga pala si Alexander Manio.” Nilahad ko ang kamay ko para makipag-shake hands sa kanya. Tiningnan nya lang ang kamay ko, wondering if she should reach for it or not. Pero maya-maya, nakipag shake hands na sya sakin. “ Buti naman inabot mo ang kamay ko. Kala ko hahayaan mo lang na naka-hang ang kamay ko at mag mukhang tanga.”

“ Hindi naman ako bastos Mr. Manio.”

“ Alex nalang. Hindi mo kelangang maging pormal. By the way, ano nga palang trabaho mo?”

“ Interview ba to?” nakataas ang kilay nya.

“ I’m just trying to make a conversation with you Miss Alexis.”

She rolled her eyes. “ I’m a design Engineer. Electrical Department.”

“ That’s great. I bet you’re an asset of the company.”

“ Hindi mo ko kelangang bolahin Mr. Manio.” Uminom sya ng tubig.

“ hindi kita binobola.” I said in a serious tone. “ I’m stating a fact.”

She leaned forward. “ At pano mo naman nasabi yan ha? Are you stalking me, Mr. Manio?”

Bago ako makasagot at ipagtanggol ang sarili ko, dumating na ang order namin. Unang nilapag ng waitress ang dalawang baso ng Lemon Juice. Sinunod nya naman ang  isang half a whole Spicy Chicken. Sunod naman ang isang bowl ng Tom Yum noodles. At huling nilagay ang kanin na parang good for four.

Damn! Of all the foods na nasa menu, bakit eto pa ang napili nya? Lahat ng bawal sakin, nasa harapan ko. Allergic ako sa seafoods. Hindi ako nakaen ng spicy food. Nako naman! Pano ko kakaen nito?

Kumuha na ng kanin at isang part ng chicken si Alexis. “ Mr. Manio, bakit hindi ka p nakaen?” napatigil sya sa pagkuha ng noodles ng mapansin nyang nakatingin lang ako sa kanya. “ Don’t tell me hindi mo gusto ang inorder ko?”

“ ah kasi Alexis~”

“ Kung ganon pala,” binaba nya ang hawak nyang kutsara, “ Dapat ikaw na lang ang umorder kanina. Tssss.” She glared at me. “ Bahala ka nga jan.” kinuha nya ulet ang kutsara, “ Basta ako’y kakaen na. Ma-le-late na kasi ako ii.” Nagpatuloy na sya sa pagkaen.

“ I’m sorry.” Bulong ko.

“ Ano?!” irritable nyang tanong.

 “ Aa wala.” Ngumiti ako at kumuha ng kanin. Kumuha rin ako ng noodles pero iniwasan kong makuha ang mga hipon kaya mejo natagalan ako. Sunod kumuha ako ng konting part ng chicken. Tinanggal ko na rin ang balat. Sigurado naman kasing sa balat lang ang anghang nito.

Nag-uumpisa pa lang akong kumaen pero sya halos patapos na. Ang dami nyang nilagay sa plato nya kanina at ngayon ee halos maubos na nya. Natigilan ako at napatitig na lang sa kanya. Pakiramdam ko busog na ko sa view. Ang aliwalas ng mukha nya. A tough girl with an angelic face. Extraordinary.

Napansin nya sigurong nakatitig ako kaya bigla syang tumigil sa paghigop ng sabaw ng Tom Yum Noodles. “ Alam kong malaks akong kumaen kaya please, wag mo kong tingnan ng ganyan.”

“ I can’t help it Alexis. Nag-e-enjoy kasi akong tingnan ka ii.”

“ Well ako hindi nag-e-enjoy sa tingin mo. Para kang pervert. Kaya stop that.” Inubos na nya ang inorder nyang juice at tumingin sa relo. “ Ma-le-late na ko.”

“ Ganun ba?” Uminom na rin ako ng juice at sinenyasan ang waitress para sa bill. Pagkaabot ng waitress, kumuha ako ng 500 sa wallet ko. Pero bago ko pa malagay to sa bill, nagsingit si Alexis ng 300 pesos.

“ Bayad ko sa kinaen ko.”

Kinuha ko ang pera nya at binalik sa kanya. “ No need. My treat.”

“ I insist.” Nilagay nya ulet yung pera sa loob. “ I barely know you. Tapos pababayaran ko sayo ang kinaen ko? Hindi naman ganung ka-kapal ang mukha ko Mr. Manio. Kaya wag ka ng magreklamo jan. Ma-le-late na ko.”

“ Fine.” Kinuha ko yung 300 at binalik yung 500.

“ Let’s go.” Yaya nya sakin. Pumunta na kami agad sa parking space at bumalik na sa opisina nya. Ilang minuto lang kaming nag-drive. Tumawid lang kami at nag-drive ng konti. Halos katapat lang kasi ng Madrigal yung restaurant.

Habang papalapit kami sa building nila, palakas ng palakas ang kabog ng puso ko. Parang ayoko na syang pabalikin. Gusto ko sanang mag-roadtrip at hindi na tumigil hanggang sa malibot namin ng buong mundo. Kasi sa susunod na tigil ng kotse, malalaman ko na ang resulta ng lunch na to.

Pumasok na kami sa Madrigal Street. Pag liko ko sa kaliwa, tanaw na tanaw ko na ang finish line. Panalo kaya ako o uuwi ako ng luhaan? Ilang segundo nalang. Ilang mahabang segundo.

“ Dito na ko.” Bumaba na sya ng kotse.

“ Ingat ka.” Ngumiti ako sa kanya pero mukhang hindi nya nakita. Tuloy-tuloy lang kasi syang naglakad papunta sa hagdan. Hindi sya nag-abalang lumingon sakin. Mukhang eto na ata ang sagot nya. Mukhang talo ako.

Binuhay ko na ang makina ng kotse. Hanggang ngayon umaasa pa rin akong lilingon sya para sabihin sakin ang buong pangalan nya kahit nasa huling hakbang na sya ng hagdan. May pag-asa pa naman di ba?

Paandarin ko na sana ang kotse pero hindi ko nagawa dahil sa isang sigaw mula sa kanya. mapatigil ako. “ Alex~”

Nakatingin sakin si Alexis at naglalakad sya palapit sakin. Ano kayang gagawin nya? Gets ko na naman na talo ako ii. Hindi na nya kelangan pang gawin to.

“ A-ahmm. Y-yes?” nauutal kong sagot. Kabado ako ngayon! Para kong nauubusan ng oxygen dahil sa sobrang kaba.

“ Ahmm. Thanks for the lunch.” Tumalikod na ulet sya at naglakad.

Thanks for the lunch?! Yun lang?! Yun na ba talaga yun? Ang sakit naman.  Well, better luck next time, Alex.

Thursday, November 8, 2012

when miss go-getter and mister tsundere met -- chapter 3

Posted by Cassa at 5:36 AM 0 comments

Chapter 3
First Day – Again?!

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Pero bago ako lumabas sumilip muna ko sa huling beses  sa vanity mirror ko. Ay grabe! Ang ganda ko! Imposibleng hindi ako mapansin ni Eros sa ganda kong to. May gash! Tingnan mo yang mukha na yan~ Bilugan ang mata. Maputi at makinis ang mukha. Walang ka-bakas-bakas ng pimples. Hindi ganun katangos ang ilong. Maliit at pula ang labi. Nakakainis! Pati ako nagagandahan sa sarili. Vanity at its finest!


Pa-sway sway akong bumaba ng kwarto. Pagpunta ko sa kusina nandun si Nanay at Tatay. Si Kuya kanina pa pumasok sa opisina. Ang laki laki ng ngiti sa mukha nilang dalawa. Sus! Porke babalik na ko sa eskwelahan, ganyan na sila sakin. Parang nung isang araw lang, pagnakikita nila ako parang dinaanan ng bagyong Ondoy ang mukha nila. Pak na pak sa galit. Pero ngayon oh! Kung makangit kala mo model ng toothpaste. Masakit sa mata. Nakakasilaw.

“ Oy Aya, anak! Kumaen ka na ng almusal mo. Baka ma-late ka pa sa klase mo nyan. Anong oras nga pala ang simula ng klase nyo?” tanong ni Tatay.

Umupo na ko at kumuha ng tinapay at hotdog. “ Mamayang 8am po.”

Napatingin si Tatay sa relo nya, “ Ee 7.45 na anak. Bilisan mo na sa pagkaen, baka mahuli ka pa sa klase mo.”

“ ay oo nga po!” kumuha muna ako ng isa pang tinapay at hotdog bago tumayo. “ Sige po. Aalis na ko.”

“ Oh baon mo.” Inabot sakin ni Nanay ang cute kong pink na bento box at baon kong cash. Kung magkano, secret na lang yun! “ Bilisan mo na. Mag-iingat ka.”

Nag-mano muna ko sa kanila bago ako umalis. Hindi kami mayaman. May isang maliit na talyer si Tatay at may karinderya naman si Nanay. Si Kuya naman ay nagtatrabaho sa isang Japanese Engineering firm. Civil engineering kasi ang natapos nyang kurso kaya dun nya naisipang magtrabaho. Ako na lang ang nag-aaral kasi ako ang bunso. Masaya ko sa pamilya ko kahit laging nagbubunganga si Nanay at laging nang-aasar si Tatay at Kuya. Masasabi kong maswerte ako dahil biniyayaan ako ng Dyos ng pamilyang kasing gulo nila. Kaya nga siguro ganito akong ka-optimistic sa buhay dahil sa mga taong nakapalibot sakin.

Sumakay na ko ng jeep. 10 minutes lang ang byahe ko. Mejo malapit lang naman ang bahay namin sa school ii. Dati na kong nag-aral sa school na to. Mula nung first year hanggang unang tatlong araw ng fourth year kasi pagdating ng ika-apat na araw, tinamad na kong pumasok. Boring kasi sa school ii. Yung mga teachers ko kasi, hindi sila magtuturo ng bagay na hindi ko pa alam. So why waste my time for this crap kung lahat naman ng naririnig ko ee matagal ng nakasaksak sa utak ko. Kaya mula nun, hindi na ko pumasok sa school. Wala rin akong naging kaibigan dahil sa medaling pag-alis ko. 2 months na ang nakalipas pero heto ako ngayon, buong pusong nagbabalik. Hindi para sa edukasyon kundi para sa magandang nilalang na si Eros at ang pagkakataong makasama sya.

Ang mgaganda at mapupungay nyang mga mata. Ang suplado nyang aura. Ang leather jacket nya. Yaaaay! Iniisip ko palang sya kinikilig na ko.  Pano pa kaya pag kaharap ko na sya at araw-araw na kasama?! Ow-my-gaaaaash! Baka hindi ko kayanin to~!

After 10 minutes, bumaba na ko at tumakbo na papasok ng school. Pagka-swipe ko ng ID, bumukas na ang turnstile at pumasok na ko. Weew~ Buti nalang na-re-recognize pa ng device yung ID ko kahit 2 months ko ng hindi ginagamit to. I guess hindi pa talaga ako na-ki-kick out.

Dumerecho ako sa Faculty Room. Naglakad ako palapit sa  Homeroom Teacher na si Sir Raffy. Nakatingin sakin ang mga teachers sa faculty room. Well, sa tagal ko ba namang mg-aral sa school na to, malamang kilala na nila ko at alam din nila na ngayon lang ako nagbalik. Papalapit palang ako kay Sir Raffy kitang kita ko na na busy  sya sa pag-inom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo.


“ Excuse me Sir Raffy.” Sabi ko.

Binaba nya ang nakaharang na dyaryo sa mukha nya at tiningnan ako. “ Miss Alonzo!”

Ngumiti ako at bumati, “ Good morning Sir.”

“ Aba! Welcome back Miss Alonzo. Kamusta ka naman?”

“ Ok naman po Sir. Eto nga po ee. Balik loob na nga po ko dito sa school.” Pabiro kong sagot sa kanya.

“ Akalain mo yun?! Kala ko hinding hindi ka na babalik dito ii.”

“ Well, whether you like it or not Sir, I’m back!” buong excitement kong binalita sa kanya.

“ Maligayang pagbabalik sayo Aya.”

“ Thank you Sir.” Sabi ko.

Patayo na si Sir Raffy at dala ang mga gamit nya ng biglang tumunog na ang hudyat na simula na ng klase.

“ So Miss Maria Izadora Alonzo, are you ready?” nakangiti sakin si Sir Raffy.

I just nod.

“ Then let’s go!”

Mabait si Sir Raffy. Teacher ko na sya sa Biology nung 2nd year at naging malapit sya sa buong klase kaya naman kumportable ako sa kanya. Buti na lang at sya ang Homeroom teacher namin kasi kung hindi ee mahihirapan akong bumalik dito sa school at mahihirapang mag-progress ang relasyon namin ni Eros.

Unang pumasok ng classroom si Sir Raffy. Sya ang teacher sa unang subject naming kaya sya na rin ang mag-we-welcome sakin sa mga kaklase ko.

“ Good morning class.” Bati nya sa kanila.

“ Goooooood morning Sir Raffy!” sagot naman nila.

“ Ngayon umaga, gusto kong ipakilala sa inyo ang bago nyong classmate or should I say nagbabalik nyong classmate.”

“ Si Aya po ba yun Sir?!” sigaw ng isa sa mga classmates ko. Napangiti naman ako. Kasi kala ko nalimutan na nila ko. 3 days ko lang naman kasi silang nakasama ii. Kahitt pala wala akong naging kaibigan ee may nakakaalala naman pala sakin. O baka naman ee isa sya sa mga dati kong kaklase noon. Asa naman agad ako?!

“ Well, malalaman natin kung tama ang hula mo Lisa.” Tumigil saglit si Sir Raffy bago nya sinabi na, “ O sige pumasok ka na.”

Binuksan ko na ang sliding door at pumasok sa loob. Nakayuko akong naglalakad papunta sa kinatatayuan ni Sir Raffy. Tumigil ako saglit at huminga ng malalim bago magsalita.

“ Good morning. I’m Maria Izadora Victoria Alonzo. A~” bago ko pa matapos ang gusto kong sabihin, natigilan nalang ako ng sumigaw si Lisa.

 “ Ayaaaa!” sigaw nya habang nag-we-wave sakin ng bonggang bongga. Nginitian ko sya at kumaway din sa kanya.

“ Hi Lisa” bati ko sa kanya. Magkaklase na kami ni Lisa mula nung 2nd year. Pero hindi naman kami super close kaya nga mejo hindi ko gets kung bakit ganun ka pak na pak ang pagbati nya sakin. FC lang ha.

Pinagpatuloy ko na ang pagpapakilala ko for the sake of others, “ By thet way, pwedeng AYA nalang ang itawag nyo sakin. Hindi kasi masyadong napag-isipan ng mga magulang ko yun pangalan ko ii. Kaya ganito ang kinalabasan.” Mejo napatawa naman sila sa sinabi ko. Maliban lang sa isang gwapong lalaking nakaupo sa bandang gitna ng classroom. Napatuon agad sa kanya ang atensyon ko at hindi na inintindi ang iba pang sinabi ni Sir Raffy.

Bumaba nako sa flatform at naglakad palapit kay Eros.  May nakaupo sa upuan sa tabi nya kaya kelangan ko munang dumiskarte para makaupo ako sa  kanyang tabi sa buong school year.

“ Ahmmm. Excuse me. Pwede bang dyan ako umupo sa inuupuan mo ngayon?” Ang galang-galang ng pagkakatanong ko diba?

“ Sorry pero wala akong balak na lumipat ng pwesto. Maghanap ka ng sarili mong upuan kesa nang-aagaw ka.”  Pabalang na sagot nya. Kung imbyerna lang talaga ko sa kanya baka kanina ko pa sya nasabunutan dahil sa nakakapikon nyang attitude. Bitch na bitch si Ate ii.

“ Pretty please. Pagbigyan mo na ko.” Pakiusap ko sa kanya.

“ Ayoko.” Mariing sagot nya sakin.

Ay shit! Papatayin ko tong babaeng to! Paking tape! Kung hindi lang nakatingin samin si Eros kanina ko pa sya nasampal at hindi ako pangiti-ngiti na parang aso ngayon sa kanya. Buti nalang nagsalita yung isa naming classmate. Nakaupo sya sa kabilang side ni Eros.  Swerte nya~

“ Aya! Gusto mo dito ka nalang umupo. Ako nalang ang lilipat ng upuan.” Sabi ng classmate naming lalaki. Naka-salamin sya at mejo nerdy ang dating. Pero ang mabait sya ha.

Wow! Akala ko yung bitch lang na yun ang swerte, ako din pala!

Nginitian ko sya ng pagkatamis-tamis, “ Thank you ha” sabay pa-tweetums na bat ng eyes. Umalis na sya sa inuupuan nya saka ko pumalit. Pag upo ko, nagsisimula ng magsulat si Sir Raffy kaya nilabas ko na ang notebook at ballpen ko. Pero bago ko magsulat, tiningnan ko muna tong gwapo dito sa tabi ko.

“ Hi Eros.” Bati ko sa kanya. “ Ako nga pala si Aya.” Gusto ko sanang makipag-kamay sa kanya pero ni hindi man lang ako nilingon nung binati ko sya. Kaya balik nalang ako sa pagsusulat. Siguro wala lang sya sa mood ngayon.

Habang nagsusulat ako, dumulas sa kamay ko yung ballpen na hawak ko. Takte! Pa-tanga-tanga na naman ako. Kainis! Gumulong yung ballpen papunta dun sa … paahan ni Eros. Nag-amok ang puso ko nung malaman kong sya ang may-ari ng pang pinag-landingan ng lecheng ballpen ko. Dahil halos one seat apart ang layo ng upuan nya sa upuan ko, pinakiusapan ko syang iabot sakin yung ballpen ko.

“ Ahmmm. Eros. Pwede bang~” lumingon sya sakin at masama ang tingin kaya napatigil tuloy ako sa pagsasalita. Pero after ng ilang segundo, huminga ako ng malalim at nginitian sya. “ Pwede bang iaabot mo sakin yung ballpen ko?”


Yumuko sya at kinuha yung ballpen. Walang ka-emo-emosyon nyang inabot  to sakin. “ Sa susunod wag kang tatanga-tanga para hindi ka nakaka-istorbo sa ibang tao. Stupid. ” Sabi nya habang kinukuha ko yung ballpen ko.

“ Sorry Eros.” Sabi ko. Sorry talaga. Hindi ko naman inaasahan na magiging malaking abala sa kanya yung pagkuha ng ballpen ko ii. Hello?! Ballpen lang naman yun ii. Kaya akala ko ok lang kung magkakawang gawa syang iabot sakin yun dib a? Pero sorry talaga Eros. Hindi ko na uulitin.

“ Tska pano mo nalaman ang pangalan ko? Stakler ka ba?” naiirita nyang tanong sakin.

“ Ah. Bakit?” mejo may kilig pa kong naramdaman.

“ Anong bakit?” naiinis na tanong ni Eros.

“ Ha? Kala ko kasi babanat ka.” Natatawa ko sa naisip ko. Ang tanga ko talaga.

“ Tsss. Inuulit ko ang tanong, pano mo nalaman ang pangalan ko?”

“ Ahmmm. Narinig ko lang.” Pak! Bakit ako nagsinungaling?! Ee kasi naman ii. Bad shot na nga ko sa kanya ngayon pano pa kaya pag nalaman nya na ako yung babae sa PC Accessories Shop baka ipatapon na nya ko sa outer space nito. Kaya keri na na ganito lang ang alam nya.

“ Mister Mignon and Miss Alonzo, would you like to share something to us?” Napalingon ako bigla kay Sir Raffy na derecho at piercing ang tingin samin ni Eros.



“ Ahmmm Sir~” napatingin ako sa blackboard at may nakalagay na ‘Answer this’. Aha! Alam ko ang chemical name nyan ii. “ Calcium Carbonate,sir.”

Napatigil angmga kaklase ko sa pagsusulat at napatingin lahat sakin. Napansin kong umiling si Eros mula sa peripheral vision ko.

“ I’m sorry Miss Alonzo pero mali ang sagot mo. Common name ang hinihingi kong sagot. Hindi chemical name. Nakalagay dito sa instruction di ba?” sabi ni Sir Raffy sabay turo ng stick sa sentence na nasa taas ng no.1.  May goodness Sir Raffy! Bakit hindi mo sinabi agad?! May problema ka bas akin ha?!

Pero yung totoo~ Ang reckless ko talaga! Shoooot! Bakit ba hindi ko muna binasa yung instruction?! Well, it makes no difference kung nabasa ko yung instruction. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong common name ng Calcium Carbonate.



“ Mister Mignon, would you like to answer question no. 1?” tanong ni Sir Raffy. Umupo na ko at tiningnan si Eros habang tumatayo sya. Bakit ganun? Bakit parang may iniiwan syang glitter dust sa upuan nya? Gaash! Ang gay ng naiisip ko! Baka mamaya makakita na ko ng unicorn at rainbow sa pa-sway sway palibot sa kanya. Yaaaak! Ang gay nun!

“ Calcium Carbonate’s common name is Chalk, Sir Raffy.” Sagot ni Eros.

“ Very good Mr. Mignon. Chalk is the common name for Calcium Carbonate, Miss Alonzo.” Whatever Sir Raffy. May problema ka talaga sakin nuh?! Suntukan nalang Sir!

Umupo na si Eros. Wow! Ang galing nya talaga. Hindi ko pa rin matanggal ang tingin ko sa kanya. Nagsimula na syang magsulat nang bigla ulet syang lumingon sakin.

“ Wag mo nga kong titigan.” He glared at me then bumalik na sya sa pagsusulat. “ Calcium Carbonate lang hindi pa alam. Stupid~”

Ano daw?! Tinawag nya kong stupid?! As in STUPID?! Pakingtape na tinapa! Kahit crush na crush ko sya, hindi ako papayag na pagsasalitaan nya ko ng ganun ha. ‘tado tong lalaking to aa! Grrrr~ pinag-iinit nya ang ulo ko.

“ Narinig ko yung sinabi mo. Mag-sorry ka sakin.” Sabi ko sa kanya.

Binaba nya ang ballpen nya at nakapangalumbabang lumingon sakin, “ bakit? May mali ba sa sinabi ko? Totoo naman di ba? Ang simple lang ng tanong hindi mo pa nasagot.”



“ excuse me Mister Mignon. Hindi ko nabasa yung instruction na common name pala ang dapat isagot. Kaya~”

“ So you’re telling me na alam mo talaga ang common name ng mga chemicals na nasa blackboard?” panghahamon nya sakin.

Mejo nagdadalawang-isip akong sumagot. Alam nyo naman ang totoo di ba? Hindi ko talaga alam yung common name ng ibang chemicals dun. Pero syempre hindi ako agad-agad na magpapatalo sa lalaking to. “ O-oo n-naman!” buong pagmamayabang ko ring sagot sa kanya.

“ Talaga lang ha.” Sabi nya sabay smirk. Bumalik na ulet sya sa pagsusulat.

Tsss. Napipikon na ko sa kanya ha. Ang yabang! Ang angas! Ang pogi! Ang yummy! Nakakainis! Kahit anong badtrip ko sa kanya, gusto ko pa rin sya. Nakakabaliw to aa. Pero kelangan kong itayo ulet ang bandila ng pride ko. Talo ko sa unang round ng pagtutuos namin ii. Hindi ako papatalo ulet. I need my revenge!

Tumayo ako at tinawag si Sir Raffy. “ Sir Raffy. Hinahamon ko po si Eros Mignon sa isang Chemistry competition.”

“ Chemistry competition?” nagtatakang tanong ni Sir. Pati mga kaklase ko nagtataka rin sa mga pinagsasabi ko. Wag kayong umepal. Baka masapak ko lang kayo.

“ Opo. Tulad po nung ginawa natin dati sa Biology.” I gave him a do-you-remember look.

“ Aa oo! Natatandaan ko na. hmmm. Pwede rin. Payag ba kayo class?” tanong ni Sir.

“ Actually, I like the idea po Sir. Pero mas exciting po kung may upstake sa game na to. Like yung mananalo ay magkakaroon ng prize from the loooooser.” Suggestion nitong konyo kong classmate. Ay grabe! Ang sarap hugutin ng tonsil nya ii.

“ Mukhang maganda ang suggestion mo, Ania.” Acknowledge nya sa suggestion nung Ania. Pangalan palang konyo na ii. “ Let’s make this clear for both parties. Next week gaganapin ang first ever Chemistry competition. Random questions ang ibibigay ko sa inyo. Kung sinong mas maraming points sa pagtatapos ng game ang panalo. And as consequence, paparusahan ng winner ang loser. Bahala na ang winner kung anong gusto nyang gawin sa loser as long as hindi Rater SPG ang consequence. So, Mister Mignon and Miss Alonzo, is it a deal?”

Nagkatinginan muna kami ng masama ni Eros bago sabay na sumagot. “ DEAL!”



AUTHOR's NOTE:

Available na po to sa wattpad. Sana po mabasa nyo po to dun :)
Suportahan nyo po sana ako ^_______^

XOXO


Tuesday, October 30, 2012

behind those eyes -- chapter 2

Posted by Cassa at 6:59 AM 0 comments


" It takes a long road to reach you, so let the journey begins now."


Maagang umalis ng bahay si Alexis. Kakasikat pa lang ang araw, paalis na sya. Nagpaalam na sya sa mga magulang na nya naghahanda na ng paninda nilang gulay at isda sa labas ng bahay. Naglakad sya papunta sa terminal ng jeep papuntang Alabang. Mabuti na lang hindi masyadong mainit at maalikabok kundi baka bago pa sya makarating sa opisina ee kulay brown na ang suot nyang puting blouse.

6.15 na nang makasakay si Alexis sa jeep. Saktong malapit ng mapuno ito kaya pagkasakay na pagkasakay nya ee tumakbo na agad ito. Kinuha nya ang mp3 nya at nakinig ng mga kanta rito. Habang nabyahe ay mejo nakaidlip sya. Halos 45 minutes din syang nakasakay sa jeep na yun.  Pagdating sa Alabang, kailangan pa nyang sumakay ulet ng jeep papunta namang Madrigal. 7.05 nakarating na sya.

Sa isang international company nagtatrabaho si Alexis bilang isang Design Engineer. Halos isang taon na rin syang nagtatrabaho dito at masaya sya. Ang trabahong to kasi ang pinapangarap nya at ang isang kumpanyang tulad nito ang gusto nyang pagtrabahuhan. 

Naglakad pa sya ng ilang minuto bago tuluyang makarating sa opisina. Kelangan nya pang umakyat sa 10 steps na hagdan bago tuluyang bumukas ng automatic sliding door ng buong building. Wala pang katao-tao sa loob. Maaga pa kasi. Alas-otso pa ang simula ng trabaho.

" Good morning Miss Alexis." bati sa kanya ng guard sa front desk.

Ngumiti si Alexis at bumati rin sa guard. " Good morning Sir del Pilar." 

Nilagpasan na nya yung guard at dumerecho sa isa pang pintuan na tanging mga empleyado lang ang makakapasok. Tinap nya ang ID nya sa reader ng pinto. Pagka-recognize ng system, automaitkong bumukas ang sliding door. Pumasok na sya.

Pumunta pa sya sa kabilang entrance para mag-log in. Tinap ulet nya ang ID nya sa reader. Pagka-read ng system, na-display sa LED monitor ang ID infromation nya. Pagkatapos nito'y pumunta sya sa pinakamalapit na CR para mag-ayos ng sarili. Sa haba kasi ng byahe, pagdating nya sa opisina ee hindi na presentable ang itsura nya.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas na si Alexis sa CR. Pumunta sya sa tapat ng elevator at hinintay na magbukas ang pinto nito. Limang minuto rin ang lumipas bago bumukas ang pinto ng isa sa apat na elevators. Pumasok na sya sa loob nito at pinindot ang button na may nakalagay na '6'. Nasa 6th floor ang Electrical Department kung saan sya naka-assign.

Pagdating sa 6th floor, tinap ulet nya ang ID nya sa reader. Tulad kanina, automatikong bumukas ang pinto.

" Good morning Lex." bati sa kanya ni Catherine. Sabay silang naging Cadette Engineer ng department na to. Kaya naman palagay na ang loob nila sa isa't isa. Isa si Catherine, pati ang asawa nyang si Raniel, sa mga iilang taong pinili ni Alexis na maging parte ng buhay nya.

Ngumiti si Alexis at binati rin si Catherine. " Good morning Cath. Ang aga mo ngayon aa." Pinatong na nya ang dala nyang bag sa table at umupo sa office chair. Bumalik naman sa pagbabasa ng mga balita sa Yahoo! si Catherine.

" Maaga kong ginising ni Ran ii." kinuha nya ang isang box ng cupcakes at inalok kay Alexis. " Gusto mo?"

" Ahmmm. Sige. Pero mamaya ko nalang kukunin ha. Punta muna akong pantry. I need my daily doze of caffeine." kinuha ni Alexis ang tumbler nya. Patay pa rin ang ilan sa mga ilaw sa opisina. Paraan kasi to ng company para maka-save sa kuryente kaya kelangang sundin ng mga empleyado. Pagdating sa pantry, hinanda na ni Alexis ang kape nya. After nito, bumalik na sya sa desk nya.

" Lex, cupcake mo oh." inabot ni Catherine ang isang choco cupcake na may strawberry icing sa ibabaw. Kinuha naman to ni Alexis. " Thanks Cath."

" Ok na ba yung design na pina-ayos sayo ni Sir Pau kahapon?" tanong ni Cath.

" Nakakalahati na ko. Kaya ko naman sigurong matapos yun mamaya before lunch."

Nag-unat si Cath. " Haaay~ Buti ka pa. Ee etong pinapagawang label para sa Area A, mukhang next year ko pa matatapos. Grabe kasi ii. Masyadong mabusisi."

Hindi na nakasagot si Alexis tumunog na kasi ang bell na ibig sabihin ee umpisa na ng trabaho. Busy ang buong opisina. Kanya-kanyang asikaso ng designs para sa iba't ibang projects. May mga projects para sa isang Gas Plant sa Iran o kaya naman sa In Amenas. Meron ding mga local projects lang. Iba't ibang lugar pero pare-pareho lang ang dapat i-design . Mabilis lumipas ang oras hanggang sa mag-lunch na.

" Lex, lunch na tayo." yaya ni Catherine kay Alexis na naka-tutok pa rin sa desktop nya. Nag-re-review ng design.

Hindi nya nilingon si Catherine nung sumagot sya. " Dito nalang ako sa desk ko mag-lu-lunch Cath. Baka bumili nalang ako sa canteen.Thanks sa pagyaya Cath."

" Aa ganun ba. Sayang naman. Sasabay pa naman satin si Ran. Pero kung yan ang gusto mo ii. Ee di sige. See you later Lex."

" Yeah. Later, Cath."

Lumabas na ng opisina si Catherine. Mga ilang minuto pang chineck ni Alexis ang design nya. Nang sa wakas ee wala na syang makitang mali, tumayo na sya at pumunta sa Service Elevator kung saan nandun nakapwesto yung nagtitinda ng pagkaen ng canteen. Pero pagdating nya sa Service Elevator, wala na dun si Manong Tonying, yung tindero. Kaya wala na syang choice kundi kumaen sa labas ng opisina.

Bumalik sya sa desk nya para kunin ang wallet at phone nya. Lumabas na sya ng opisina at pumasok sa saktong kakabukas lang na elevator. Pagdating sa ground floor, tinawagan agad nya si Nini.

" Hello Ni."

" Hi Lex."

" Jan ako mag-lu-lunch sa shop nyo.  May available ba kayong~"

" Nakow Lex. Sorry aa. Pero wala kami ngayon sa shop ii. Eto kasing si Pat, biglang nagyaya kaninang umaga na magbakasyon muna kami."

" OH?! Aaaaish~"

" Sorry babe."

" Ok lang Ni. Enjoy kayo jan ni Pat. Bye~~"

Pinatay na ni Alexis ang phone nya. Nakatayo sya sa labas ng building. After nyang itago ang phone nya, nag-umpisa na syang maglakad. Pero bago pa sya makalayo, may bumisina sa likod nya kaya napalingon sya . Masama ang tingin. Bigla namang may sumilip na lalaki sa bintana ng kotse. Si Alex.



" Hi~!" bati nito kay Alexis.

" Ikaw na naman?!" sigaw nya sa lalaki.

Nakangiting sumagot si Alex. " Wow! Naaalala mo ko?!"

" Sad to say, matalas ang memory ko sa mga tulad mo."

" Tulad ko? Tulad kong gwapo?" biro ni Alex. She just glared at him. Tumalikod na sya kay Alex at nagpatuloy sa paglalakad.

Sumunod naman sakanya si Alex. " Hey. Gusto mong mag-lunch kasama ako?"

" Wala kong panahong makipag-usap sayo."

" Kahit ngayon lang, Alexis."

Napatigil sya sa paglalakad ng marinig nyang sinabi ni Alex ang pangalan nya. " Alam mo ang pangalan ko? Pano~" napatigil sya sa pagsasalita ng ma-realize nya kung sinong pwedeng magsabi sa lalaking to ng pangalan nya. " Shooot! Mapapatay ko talaga si Nini."

Nagpatuloy ulet sya sa paglalakad at nagpatluoy naman sa pagsunod si Alex.

" Hey Lex~"

" Dont call me Lex. Hindi tayo close."

" Ok. ALEXIS. hindi kasalanan ni Nini yun, ok? Kaya wag kang magagalit sa kanya."

" Alam ko naman yun."

" Good. Pero magbalik tayo sa tanong ko, wanna have lunch with me?"

" Pwede ba Mister Whoever-you-are" tumigil ulet sya sa paglalakad at tiningnan ng masama si Aelx. " Mas marami ka pang magagawang mas makabuluhang bagay sa oras mo kesa sa sinusundan mo ko at kinukulit na makipag-lunch sayo. Kanina ko pa sinasabi sayo na ayoko. A-YO-KO! Pwede ba?! I only have 45 mins. left to have a decent lunch, kaya please. Just leave me alone."

" Fine. Ganito na lang. Ibigay mo na sakin ang 30, ay hinde, kahit 20 minutes lang ng oras mo. At kapag hindi mo nagustuhan ang company ko, titigilan na kita. Pero kung mag-e-enjoy ka naman, isa lang naman ang hinihinigi kong kapilit ii."

" Ano?"

" Ang buong pangalan mo."

" Alam mo na naman ang pangalan ko di ba? So anong point mo?"

" Hindi ka ata nakikinig sakin ii. Sabi ko, BUONG PANGALAN mo. As in full name."

" Sorry pero ayokong maki-ride sa~"

" Saglit lang. Either way, wala kang talo di ba? Kung hindi ka mag-e-enjoy sa lunch natin, tatan-tanan na kita. Pero pag nag-enjoy ka, pangalan mo lang ang kapalit. Wala naman sigurong mawawala sayo knug sasabihin mo sakin ang pangalan mo di ba? Kaya kahit saang anggulo mo tingnan, panalo ka dito."

Tumingin muna sa relo nya si Alexis bago sumagot. 10 minutes na ang naaksaya nya sa lalaking to. " Tsssh! Curse this guy! DIE NOOOOW!" bulong ni Alexis sa sarili.

" So?" tanong ni Alex with cute puppy eyes.

Umirap muna si Alexis bago sumagot. " FINE! Tantanan mo lang ako."

" Good!" Bumaba na si Alex sa kotse nya pero bago pa sya mapagbuksan si Alexis ng pinto, nakapasok na pala sya sa loob. Ang bilis nya~

Ilang minuto rin silang nag-drive ng tahimik. Nabasag lang ang katahimikan ng magsalita si Alexis. " Hey! 7 minutes na tayong nag-iikot dito. Pwede bang mag-decide ka na kung san tayo kakaen. Dont tell me uubusin mo ang oras ko sa pag-iikot. I'M STARVING like hell here!!"

" Saglit nalang ok? Malapit na tayo. Steady ka lang jan."

Inirapan lang ulet sya ni Alexis. " Whatever."

Balik ulet sila s atahimik na pag-d-drive. After ng ilang minuto, tumigil na ang kotse nila sa tapat ng isang Thai restaurant.

" We're here." masaya ang tono ni Alex.

" Dito? Ee kanina pa natin to dinadaan, bakit hindi ka pa tumigil dito agad? Inaasar mo ba talaga ako?!" kunot na kunto na ang noo ni Alexis.

Napatawa lang sa kanya si Alex. " Ee gusto ko lang naman kasing makausap ka ar mas makilala ka habang nandito tayo sa kotse pero hindi ka naman nagsasalita. Nakaka-dismaya."

" Gusto mo lang naman pala akong makausa dito sa kotse ii. Ee di wag na tayong lumabas dito. Dapat kanina pa lang sinabi mo na ii."

" Pwede naman ii. Pero gusto kong makakaen ka. Kaya dinala kita dito. Tara?"

Hindi na sumagot si Alexis, binuksan na lang nya ang pinto. Mahinang tawa ang binalik sa kanya ni Alex habang ni-lo-lock ang pinto. Naghihintay sa tapat ng pinto ng restaurant si Alexis at tulad kanina masama pa rin ang tingin nya kay Alex. At tulad kanina, nakangiti lang to sa kanya. Kaya mas lalo syang nainis at pumasok na s loob.



Saturday, October 27, 2012

when miss go-getter and mister tsundere met -- chapter 2

Posted by Cassa at 7:58 AM 0 comments

Chapter 2
Target Lock – Unidentified Identity


Pagkatapos kong maligo at makapagbihis, umupo ako sa kama at kinuha ang kikay kit ko. Matagal na rin mula nung huling beses kong ginawa to. Matagal na rin mula nung mag-effort ako para sa isang lalaki. Kaya sana maging effective to. Ayoko namang mukha akong puchu-puchu sa paningin nya pag nagkita ulet kami. Nakakahiya yun!

Binuksan ko ang aking pink na pouch at kinuha ang face powder na binili para sakin ni Nanay nung isang buwan. Tinatapat ko sa aking mukha ang lampshade at  nag-umpisa ng maglagay. Habang ginagawa ko to, hindi ko maiwasang maalala ang nangyari dalawang araw na ang nakalilipas.

Nakatayo ako nun sa tapat ng isang laptop accessories shop. Naghihintay ng jeep. Habang nag-ta-tap ang paa ko alinsunod sa beat ng The Boys ng SNSD, nahagip ng mata ko ang isang mabilis na pulang motor. Dahan-dahan kong inalis ang earphone ko at itinaas ang brim ng itim kong sombrero para mas makilatis ng mabuti ang isang potensyal na magandang nilalang.

Cool ang dating nya. Mula sa motor hanggang sa kanya na naka-itim na leather jacket sa gitna ng tanghlaing tapat. Parang action star lang. ang GWAPO! Mabilis ang takbo nya at mejo nag-slow down para mag-left turn papunta sa kinatatayuan ko. Ang smooth ng pagkaka-liko nya. Effortless na effortless. Nakakahanga talaga ang pagka-magnificent ng moves nyang yun. ANGAS! Parang yung mga napapanood ko lang sa TV. Ang galing galing~

Nanatili akong nakatayo sa harap ng shop. Hinihintay syang lumapit sakin. Ilang inches nalang ang layo nya sakin ng nagpreno sya. Nahampas tuloy ng hangin ang mukha ko. Anak ng pato! Nahulas ang polbo ko dun aa!

Slow motion nyang tinanggal ang itim nyang helmet. Nasaksihan ng aking dalawang chinitang mata ang kanyang angkin na kagwapuhan. At ang tanging reaksyon ko lang ee: Wow! ang yummy! *kagat labi*

IU GIF


May konting hint ng ngiti sa mukha nya. Mas lalo tuloy syang naging cool. Para lang tong eksena sa pelikula na naikot-ikot ang camera saming dalawa. taglay nya ang isang kakisigang naging sanhi ng  pag-nganga ng aking bibig. Grabe talaga! Ang~

“ Hoy miss!” sigaw nya.

“ Yeeeees?” sagot ko naman. Hindi pa rin ako makapaniwalang kinausap nya ko.

“ Gusto mo bang magpakamatay ha?!”

Nakakunot ang noo nya. Parang mas lalo syang gumagwapo sa expression nyang yan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Minsan lang ako makakakita ng isang gwapong nilalang na tulad nya kaya kailangan kong samantalahin ang pagkakataon. Habang naglalakad ako palapit sa kanya, nakatitig sa nag gagandahan nyang mata, na-i-imagine kong kinakasal kami. Ako ang napaka-gandang bride. Nakaputing gown, mahabang belo at may hawak na … cellphone. Tinapat ko to sa mukha nya at pinindot ang capture button. Narinig ko ang shutter. Mission accomplished! Level complete!

“ HOOOOY!” tinapik nya ang kamay ko. Nakakunot pa rin ang noo nya. How kawaiiiii ~^______^~

“ 0935*****41 ang number ko. Madali lang tandaan di ba? ikaw anong number mo?” tanong ko.

Hindi nya ko pinansin. Nilampasan lang nya ko at nag-park. Matapos nyang i-lock ang motor at helmet, pumasok na sya sa shop. Lumapit ako sa motor para maramdaman ang presensya nya. Wow. Ang gwapo ng motor nya. Kasing gwapo nya.

Pumasok na rin ako sa shop. Nasan kaya sya? Palingong-lingon ako habang stretch kung stretch ang leeg. Nasan na ba sya? Bakit hindi ko sya  makita? Ikot ako ng ikot sa shop, hinahanap sya. Hanggang sa makita ko sa sya isang sulok namimili ng keyboard protector.

Bago ako sumugod, inobserbahan ko muna sya mula sa anggulong kong to. Suot nya pa rin ang sagana sa mantika nyang leather jacket. Hindi ba naglalapot na ang kili-kili nya dahil sa suot nya? Lupet talaga nya. Kung ibang tao nag pumorma ng ganya, siguradong baduy. Pero kung sya, sus! Siguradong next hit na sa fashion world. Wala akong makitang ID lace. Nakatago siguro sa loob ng jacket nya. Kelangan kong Makita nag ID nya. Para malaman ko kung anong school sya. Mukha pa naman syang estudyante ii. Hindi ako pwedeng magkamali. Magaling ako ii. Nabuo ko na ang plano sa utak ko. Mabilis kaya akong mag-isip. Lalo na sa mga kritikal na sitwasyong tulad nito. It is a matter of life and death ng love life ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Pinulot ko ang isang kung ano man to para maging props ko. Paglapit ko sa kanya, yumuko ako para kumuha ng something. Kung ano man yun, chika-chika nalang. Pero pagtingala ko, “ Yaaaaah!” napasigaw ako ng makita kong sumabit ang kulot at gulo-gulo kong buhok sa zipper.

“ Wat-da-fuck are you doing there?!”

Pareho kaming nagpanic.

“ May hinahanap lang ako. Sorry.” Pilit kong inaalis ang buhol ng buhok ko sa zipper nya. Pero mairap takaga. Kaya naman binaba na nya ang zipper nya. At dun nakita ko ang kanyang mahabang …

ID lace.

Derecho ang mata ko sa ID nya. Kinuha ko to para mas mabasa ko ng ayos. Malabo kasi mata ko ii.

Ashford Academy.
Eros Mignon.
Senior.

“ Miss!” hinablot nya ang ID nya. Dahan-dahan akong tumingala at ngitian sya. Natanggal na pala nya ang pagkakabuhol ng buhok ko. Tumayo na rin ako ng maayos kasi nakakahiya naman tong mala-mag-o-otso-otso-ang-tuwad pose ko dito.

“ pasensya na ha.” Sabi ko. Tumalikod na ko at tumakbo palabas.

Nagtatatalon ako sa labas habang nagwawala ang mga kamay. OW YEAH!

ASTiiiiiiiG TOOOOOO!

Schoolmates kami! Mukhang magiging masaya na ang susunod na mga araw ng klase.

Thursday, October 25, 2012

when miss go-getter and mister tsundere met -- chapter 1

Posted by Cassa at 6:56 AM 0 comments



Chapter 1
Starting Point – The Beginning


Bagong araw na naman. Isang bagong umaga na sinalubong ng matinding pag-iingay na galing sa mala-armalite na bibig ng nanay ko. Ano na naman kaya ang ikinapuputok ng fuse nya ngayon?

“ Ayaaaaaaaaaaaaaa!” sigaw ni Nanay mula sa kusina ng bahay. Sa liit ng bahay na to, bakit kelangan pa nyang sumigaw ng pak na pak para lang gisingin ako? Nakakasira naman ng umaga. Kinuha ko ang aking paboritong hotdog na unan at niyakap to. Dedma sa pag-a-amok ni Nanay. Titigil din yan pag nagsawa na sya sa pagsigaw.

the go-getter~ AYA
At makalipas ng ilang minuto, nakumpirmang tama ang teyorya ko na titigil si Nanay anytime soon. Nagkaroon ng konting katahimikan sa buong bahay. Tanging ang mabango at nakakapang-tulo laway na aroma ng ginigisang bawang para sa sinangag ang pumuno sa senses ko. Sobrang yummy ng amoy. Hmmmm. Makabangon na nga.

Kung hindi ba naman ako minamalas, kung kelan ko naisipang bumangon, saka bumukas ang pinto at padabog na pumasok si Nanay.
“ Anak ng tinapa Ayaaa!” sigaw nya habang naglalakad sya sa kwarto. Mga tatlong hakbang lang yun mula sa pinto para maka-abot sya sa kama ko. “ Ano bang balak mo sa buhay mo?!” Mukhang isang matinding round na naman to ng sermon aa.

“ Wala po. Baka may gusto PO kayong i-suggest.” Sagot ko sa kanya. Oops! Wag kalimutan ang PO~ Importante yan. Dapat laging may PO kahit pabalang sumagot. Ok?!
 Nakaupo pa rin ako sa kama. Yung kumot nasa lap ko pa. Pag-alis ni Nanay dito, pwede pa kong matulog. Palalampasin ko nalang muna yung sinangag.

Dahil sa balasubas kong sagot, binatukan ako ni Nanay. “ Walang-hya ka talagang bata ka! Bakit ayaw mong mag-aral?! Maraming bata ang gustong mag-aral jan~”

“ Ee di sila nalang PO ang pag-aralin nyo.” Singit ko sa sermon nya. Ayun. Nabutakan ulit tuloy ako. Strike two!

“ Maria Izadora Victoria! Napaka-pasaway mo.” Sabi ni Nanay. Tumayo na ko at kumuha ng damit. “ HAAAY!" sinabunutan ni Nanay ang sarili nya.

Tumayo naman ako para pigilan sya. " Ano ba 'Nay! Kaya PO nauubos yang buhok mo ii. Dahil sa ginagawa mong yan PO!"

" Ay grabe!" Napa-face palm si Nanay " Hindi mo ba alam kung gano kalaki ang isinasakripisyo naming ng Tatay at Kuya mo para sayo para makapag-aral ka lang?! Pero ikaw! Mas gusto mong magkulong dito sa makalat mong kwarto at humarap maghapon sa laptop mo. Hindi ba nanakit ang mata mo kakatitig jan?”

Tumigil ako sa pamimili ng panty. Lumingon ako kay Nanay at sumagot, “ Hindi po.”

Kung abot ako ng mabilis na kamay ni Nanay, siguradong nabatukan na naman ako nun. Minsan nga pakiramdam ko involuntarily na nyang nagagawa yun. Kasi palagi na nyang ginagawa ii, wala ng pagdadalawang-isip. Pak kung PAK! At wag ka~ Kaya nyang mambatok ng sobrang lakas, as in full force, in just a snap. Ay  hindi pala. Masyado pang mabagal ang isang snap. Mas tama sigurong comparison ang speed of light. Ganun sya ka-imba!

“ Ay grabe!” napahawak na lang si Nanay sa noo. Face palm ulet. “ Hindi na kita kaya Aya. Suko na ko sayo." Nakataas ang dalawang kamay nya. " Bahala ka na sa buhay mo! Gawin mo na ang gusto mong gawin. Malaki ka na~”

“ Nay. 5’2’’ lang po ako. Technically, maliit pa ko PO.”

Inambahan na naman nya ko. “ Manahimik ka nga muna! Patapusin mo ko sa pagsasalita.” Tumigil sya saglit at nag-inhale exhale. Mga 3 times. “ Ok. Malaki ka na! bahala ka ng mag-desisyon para sa buhay mo. Kung anong gusto mong gawin, hindi ka na namin pakekelam. Hindi mo rin naman kami pinagkikinggan di ba? Kaya sige. Bahala ka na~”

“ Yun lang pala sasabihin mo Nanay ii. Hmmm. Sige po. Salamat po Nanay.” Sabi ko. Niyakap ko sya kahit alam kong mababatukan na naman ako ng isa. Sanay na ko sa ganun. Araw-araw ba naman. Manhid na ako. “ Pero ngayong araw Nay, magbabago na po ako.” Bulong ko sa kanya. Bumitaw ako sa pagkakayakap. “ Paplantsahin ko muna tong uniform ko ha.” Pinakita ko sa kanya ang naka-hanger na blue checkered skirt at puting blouse na may blue ribbon. Bago ko pa makitang ngumiti si Nanay, which I assumed, tumalikod na ko at inayos ang kabayo at ang plantsa. “ Bababa nalang po ako maya-maya pagtapos ko dito.”

No comment na lang si Nanay. Baka magbago pa daw isip ko kaya lumabas nalang sya. Nako Nanay. Hindi po mangyayari yun. Hindi na magbabago ang isip ko.
May gwapo na kong rason para pumasok ee.

Sunday, October 21, 2012

when miss go-getter and mister tsundere met

Posted by Cassa at 6:59 AM 0 comments

Bago ko simulan ang story na to, konting note muna. 
Ehem ehem.
Promise ko last time na ipopost ko na to this week. Pero dahil hindi ko pa tapos ang TDCL, hindi ko pa mapopost to sa Wattpad. Kaya dito nalang muna sa blog ko. Sana magustuhan nyo. 
Enjoy! ^__________^




PROLOGUE

" Hindi dahil gusto mo, makukuha mo."

MUKHA NYO!

Hindi applicable sakin ang linya yan. Well, I prefer the line ...


" Pag gusto ko, makukuha ko. Walang pwedeng umepal! Ang akin ay akin!"

Kahit kelan hindi ako papayag na hindi ko makukuha ang gusto ko. Sabi ko nga, ang akin ay akin. Gagawin ko ang lahat para magustuhan nya ko.

Hindi ako mapapasuko ng isang tulad nya.

A Prince.

Sharp.

Sarcastic.

Aloof.

Cool.

Tsundere.

Sa ganda ng mga gasgas na adjectives na to, tatalab kaya sa kaya ang charm ko?

Tingnan natin...

" Ako, si Maria Izadora Victoria Alonzo, ay sinusumpa na ikaw, Eros Andro Mignon, ay ma-i-in love sakin. Sa ayaw o sa gusto mo!"

Tandaan nyo to, hindi magpapatalo ang isang go-getter na tulad ko~







CAST:






 Maria Izadora Victoria Alonzo ~ Aya
The Go-Getter

Maputi. Cute. Bilugan ang mata. Hindi matalino pero masipag at madiskarte. Perfect girl kumbaga. Isa syang batang tamad pumasok sa school. Pero mula ng makilala nya si Eros, nabigyan sya ng dahilan para bumalik sa eskwelahan.

Darating kaya ang panahong magugustuhan sya ni Eros? At kung mangyari man yun, mag-wo-work kaya ang relasyon nila?




Eros Andro Mignon ~ Eros
The Tsundere

Matangkad. May taglay na mataas na level ng ka-cute-an. Biker. Cool. Suplado. Tsundere. Tulad ng ibang tsundere, sya yung tipong maliit lang ang mundong ginagalawan.  Walang pakialam sa mundong ibabaw. Suplado. Masungit. Madalang ngumiti.
At mula sa simula, pinapadama na nya kay Aya na hindi sya interesado sa kanya.

Magbabago kaya ang pananaw nya sa buhay pag nakasama na nya si Aya?



 Luigi Alfonso
The Prince

Matalino. Gwapo. Friendly. Ashford Academy's Prince.
At bestfriend ng Dark Knight na si Eros. Hindi tulad ni Eros, mabait sya kay Aya mula pa nung unang beses silang nagkita. Dahil dito naging magkaibigan sila at madalas nyang kakwentuhan. Pero sa pagdating ng maganda at perpektong babaeng si Isabelle, magugulo ang samahan nilang tatlo.
Matutulungan kaya nya si Aya? Pano na silang lahat pag nasa eksena na si Isabelle?



behind those eyes : chapter 1

Posted by Cassa at 6:42 AM 0 comments

" You may forget what you said ... But I will never forget how you made me feel~ "


CHAPTER 1


Over time na naman sa opisina. Kelangan ko kasing maipasa tong design before midnight. Sh*t naman kasi~ Tapos na dapat to kanina pa ii. May sumingit pa kasing meeting kanina sa mga clients namin na taga-Australia. Wala tuloy akong choice kundi mag-stay dito hanggang ganito ka-late. Tiningnan ko ang wrist watch ko at 9pm na pala. Mejo inaantok na rin ako. Mamaya nalang ako magkakape konting adjustment nalang naman ang kelangan nitong design ii.

Lumipas ang dalawang oras at sa wakas tapos ko na rin tong design. I printed it and sent the copy to our chief designer. Kinuha ko na ang backpack ko at pumunta na sa parking lot B kung saan naka-park ang kotse ko. Isang black na Montero Sport. Nag-time out muna ko bago lumabas ng building. 

Nag-drive ako papunta sa Moon Bucks. Pagkarating ko dun, sarado. Under reconstruction sabi ng malaking post sa harapan nito. Kaya naghanap na lang ako iba pang coffee shop. Dahil hindi ako pwedeng magpatuloy sa pag-d-drive pauwi ng hindi nakakainom ng kape. Baka bigla nalang akong makatulog habang nasa daan ii. 

After ng ilang minutong pagda-drive, nag-park na ko sa harap ng isang cafe na may napakagandang exterior. Bumaba na ko sa kotse at naglakad papasok ng cafe. Mejo konti lang ang mga taong nagpapalipas ng oras dito sa cafe. Umupo ako sa isa sa mga table na malapit sa bintana. Pagkaupo ko, kinuha ko agad ang menu at naghanap ng maguugstuhan kong kape at muffins.

Nang makapili na ko ng order, tinawag ko na ang waitress at umorder ng Kape Americano at dalawang muffins. Habang naghihintay ako ng order, ginala ko muna ang mata ko sa buong cafe. 

Napantayan ng ganda ng exterior ang ganda rin ng interior. Pinuno ng kulay na brown ang mata ko. Very organic at puno ng kahoy dito sa loob. Napaka-presko rin ng lugar. Maganda rin ang music na pinapatugtog nila dito. Relaxing. Soothing. Nagpalibot-libot ang mata ko hanggang sa bumagsak to sa isang babaeng may dalawang pares ng mata na pamilyar sakin.




The girl in white lacy dress.

Busy sya sa pagbabasa ng isang libro na halos nagtatakip sa kalahati ng mata nya. Focus na focus sya sa pagbabasa. Every now and then, tumitigil sya para uminom ng drink nya. 

" Sir. Here's your order." sabi ng waitress. 

" Ay sorry." yun lang ang nasabi ko. Nakakahiya. Stalker na stalker ang dating ko sa kanya.

" It's ok, Sir." she gave me a smile. Nginitian ko na lang din sya. Nilapag nya ang mga order ko. " Just tell me if you need something Sir."

I just nod.

Uminom na ko ng kape. Masarap ang timpla nila dito ha. Ee ito kayang paborito kong muffins, masarap rin kaya? Kumuha ako ng isa at kumagat rito. Hmmmm. Masarap rin. Sakto lang ang tamis. Ganito ang gusto kong timpla. Nag-co-compliment ang lasa nitong muffins at ng kape. 

Napansin kong umupo sa tapat ng babaeng may magagandang mata ang waitress na nag-serve sakin kanina. Magiliw silang nagku-kwentuhan na parang matalik na magkaibigan. Magkakilala ba talaga sila? Di ba sabi nya kanina na tawagin ko lang sya kung may kailangan ako? Pwede ko kaya syang tanungin kung anong pangalan nung magandang babae? Kakapalan ko na ba ang mukha ko o tatahimik na lang ako dito?

Sh8t! Ang hirap naman nito.

Naubos ko na ang mga muffins ko nang umalis yung waitress at bumalik ulet sya sa pagbabasa. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kalsada. 

Pag may isang blue na Mini Cooper na napadaan dito sa tapat within a minute, lalapitan ko sya. Time starts now.

60 seconds.

Hindi ko alam kung hihilingin ko bang may Mini Cooper na dadaan o wala. I cant decide.

50 seconds.

I rob another glance at her. She's still reading that book.

40 seconds.

Sweat is gently making its mark at my forehead.

30 seconds.

Still no sign of a Mini Cooper.

20 seconds.

What else can I do but to wait.

Last 10 seconds.

I was about to give up, when miraculously 4 seconds before the time is up a blue and white Mini Cooper parked at Cafe Fiorghara.

Damn!

This is too much! 

I'm just asking for a Mini Cooper to pass by but what God gave me is a Mini Cooper that parked right in front of my very eyes.

I compose myself.  Take a deep breathe. And grab my things. 

Sa bawat hakbang ko, pakiramdam ko unti-unting dinadagdagan ang weights sa paa ko. Parang biglang humirap ang simpleng paglakad. Ilang hakbang lang ay nasa tapat na ko ng isang  bakanteng upuan sa table nya. Umupo ako rito.

Nang marinig nyang gumalaw ang upuan, tumingin sya sa direksyon ko. Her hazel eyes are deeply rooted on mine. I managed to smile. " Hi."

No comment from her. Just a blank face.

" Do you remember me?"

Still no response.

" The guy from the bar. Remember?"

" OH! You're that PERVERTED D.O.M.?!" she almost screamed at me.

" NO! NO! NO!" sabi ko habang wine-wave ang kamay. " Ehem. Hi babe."

Binaba nya ang libro nya s table at tiningnan ako ng masama. " Ikaw yung lalaking yun?!"

" Believe it or not~"

" Tsch! Leave me alone. You're wasting my time."

" Ha? No, please. I'm just here to make up with you. To be your friend."

" I dont need a friend. I  dont need you." kinuha nya ang libro nya pati na rin ang isang brown na bag na nakasabit sa gilid ng upuan nya. " Kung ayaw mong umalis, ako na lang ang aalis." Tumayo na sya at dere-derechong naglakad sa counter.

" Oh, Lex. Aalis ka na?" narinig kong bati nung waitress kanina.

" Yeah. Wala na kasi yung 'peace' na meron ako dito kanina ii. Kaya uuwi na lang ako, Nini. Thanks for making me stay."

" No problem, Lex. You're always be welcome here."

" Thanks. Send my regards to Pat."

" I will babe. Drive safely." 

Dinigest ko muna ang mga nangyari. Ibig sabihin, kaibigan nya yung waitress kanina. Or most probably her best friend. At madalas sya dito. And most of all, Lex ang pangalan nya.

Tahimik lang akong nakaupo hanggang sa lumapit sakin yung waitress kanina para kunin ang pinagkainan ni Lex.

" Hi, Alexander Manio." bati sakin ni Nini.

Nagtataka akong sumagot sa kanya. " Kilala mo ko?"

" Yup."

" Pano?"

" Nakita kita dun sa bar. Nung nilapitan mo si Alexis at sinagip sya dun sa perverted na matandang yun. Kaya pinagtanong kita sa mga kakilala kong regular dun. Kaya nalaman ko na kung anong pangalan mo, kung san ka nagtatrabaho, kung anong trabaho mo basta lahat ng tungkol sayo. Anyway, salamat talaga ha."

" Wala yun. Hindi ko naman maaatim na mabastos ang isang babeng tulad nya."

Pinatong ni Nini ang siko nya sa table. " Ako'ng may kasalanan kung bakit nangyari yun sa kanya ii." napuno ng lungkot ang kanina'y masaya nyang mata. " Kung hindi ko lang sya pinilit na sumama samin  at kung hindi lang namin sya iniwan ni Pat. Hindi sana mangyayari sa kanya yun. Yan tuloy ayaw na nyang pumunta sa bar. Pano na ang social life nya?"

" Saglit lang. Ibig sabihin first time nyang pumunta sa bar nung gabing yun?"

Hindi nakasagot si Nini. Tumango lang sya.

" Wow~" yun lang ang nasabi ko. Ilang taon na ba si Alexis? Minor de edad pa lang ba sya? Damn! Baka makasuhan ako ng child abuse pag pinagpatuloy ko pa to.

" Hindi kasi ordinaryong tao si Lex, Alex. Isa syang prinsesang piniling ikulong ang sarili nya sa kanyang kastilyo."

" Ha? Mahina ako sa metaphor, Nini."

Napatawa lang sya. " Well, I've been Lex's best friend for almost half of her life. High school pa lang kami, magkasama na kaming dalawa. Ako lang ang nagtyagang intindihan sya at nagtyagang mag-effort na makipagkaibigan sa kanya. Hanggang mag-college, hindi sya nagbago. Loner at secretive pa rin. Hilig nya pa rin ang pagbabasa ng libro. Either fiction or non-fiction, she enjoys reading them. Madalas ko syang nakikita noong college na nankaupo sa ilalim ng shade ng puno habang may hawak na ballpen, scratch paper, calculator at reference book. Mas pipiliin nyang mag-aral kesa sa pumunta sa mall o mag-hang out. Kaya hindi na nakakapagtaka kung naging Cum Laude sya."

" Ang galing naman ni Alexis."

Kaya pala ganun ang aura nya. Para syang may invisible shield na nakapalibot sa kanya. Kakaiba talaga sya. With all the things that I heard from Nini, mas lalo pa kong napupursigi na kilalanin sya.

" Yeah. She's extraordinary girl." tumigil sya saglit. " But she's fragile."

" Fragile. That's right." sang-ayon ko sa kanya.

Panandalian kaming nabalot ng katahimikan. Pero bigla syang nagtanong na ikinagulat ko.

" You like her?"

" HA?!" gulat kong reaksyon. Ang prangka naman nya.

" Ay~ Erase that. YOU LIKE HER!"

At inulit pa talaga nya. Pakiramdam ko tuloy namumula na ko dito. Yumuko na lang ako para itago ang mukha ko. Narinig ko namang tawa ng tawa si Nini.

" Hahahaha. Ang cute mo. Nakakatuwa ka. Ikaw nga talaga ang kailangan ni Lex. Sa wakas nakilala rin kita."

" Nini. Naguguluhan na ko sayo."

" Matagal ko ng pinagdarasal na may isang prinsipeng dadating para iligtas ang prinsesang matagal ko ng iniingatan. And you're that prince Alex."

" H-how could you say that Nini?"

" The way you gazed at Lex kanina nung nakaupo sa kabilang dulo ng cafe. The way you protected her that night. I can feel it Alex. It's radiating from you. Nararamdaman kong poprotektahan mo si Lex kahit anong mangyari. Maybe ngayon hindi mo pa sya mahal pero at least nanjan ka para sa kanya. Masayang masaya talaga ko't dumating ka sa buhay nya. Sana alagaan mo sya."

Tumagos sa puso ko ang mga sinabi ni Nina. She's more like a protective mother to Alexis. Dahil sa mga sinabi nya, mas lalo kong gustong makasama sya at protektahan sya. Ako ang aalalay sa kanyang harapin ang mundo. Ako ang gagabay sa kanyang ibukas ang puso nya para sa ibang tao. Ako ang magiging prinsipe nya.

Hinawakan ni Nini ang kamay kong nakapatong din sa table. " I'm counting on you, Alex." she gave me a trustful smile.

" I'll do my best, Nini."

" O sige ha. Balik na ko sa kusina. Baka magselos na si Pat pag nag-stay pa ko dito ii. Bye, Alex. I'll see you soon~" tumayo na sya at umalis.


Mula ngayon, magsisimula na ang misyon ng prinsipe na iligtas ang prinsesa.
 

Writer Wannabe Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review