Sunday, October 21, 2012

behind those eyes : chapter 1

Posted by Cassa at 6:42 AM

" You may forget what you said ... But I will never forget how you made me feel~ "


CHAPTER 1


Over time na naman sa opisina. Kelangan ko kasing maipasa tong design before midnight. Sh*t naman kasi~ Tapos na dapat to kanina pa ii. May sumingit pa kasing meeting kanina sa mga clients namin na taga-Australia. Wala tuloy akong choice kundi mag-stay dito hanggang ganito ka-late. Tiningnan ko ang wrist watch ko at 9pm na pala. Mejo inaantok na rin ako. Mamaya nalang ako magkakape konting adjustment nalang naman ang kelangan nitong design ii.

Lumipas ang dalawang oras at sa wakas tapos ko na rin tong design. I printed it and sent the copy to our chief designer. Kinuha ko na ang backpack ko at pumunta na sa parking lot B kung saan naka-park ang kotse ko. Isang black na Montero Sport. Nag-time out muna ko bago lumabas ng building. 

Nag-drive ako papunta sa Moon Bucks. Pagkarating ko dun, sarado. Under reconstruction sabi ng malaking post sa harapan nito. Kaya naghanap na lang ako iba pang coffee shop. Dahil hindi ako pwedeng magpatuloy sa pag-d-drive pauwi ng hindi nakakainom ng kape. Baka bigla nalang akong makatulog habang nasa daan ii. 

After ng ilang minutong pagda-drive, nag-park na ko sa harap ng isang cafe na may napakagandang exterior. Bumaba na ko sa kotse at naglakad papasok ng cafe. Mejo konti lang ang mga taong nagpapalipas ng oras dito sa cafe. Umupo ako sa isa sa mga table na malapit sa bintana. Pagkaupo ko, kinuha ko agad ang menu at naghanap ng maguugstuhan kong kape at muffins.

Nang makapili na ko ng order, tinawag ko na ang waitress at umorder ng Kape Americano at dalawang muffins. Habang naghihintay ako ng order, ginala ko muna ang mata ko sa buong cafe. 

Napantayan ng ganda ng exterior ang ganda rin ng interior. Pinuno ng kulay na brown ang mata ko. Very organic at puno ng kahoy dito sa loob. Napaka-presko rin ng lugar. Maganda rin ang music na pinapatugtog nila dito. Relaxing. Soothing. Nagpalibot-libot ang mata ko hanggang sa bumagsak to sa isang babaeng may dalawang pares ng mata na pamilyar sakin.




The girl in white lacy dress.

Busy sya sa pagbabasa ng isang libro na halos nagtatakip sa kalahati ng mata nya. Focus na focus sya sa pagbabasa. Every now and then, tumitigil sya para uminom ng drink nya. 

" Sir. Here's your order." sabi ng waitress. 

" Ay sorry." yun lang ang nasabi ko. Nakakahiya. Stalker na stalker ang dating ko sa kanya.

" It's ok, Sir." she gave me a smile. Nginitian ko na lang din sya. Nilapag nya ang mga order ko. " Just tell me if you need something Sir."

I just nod.

Uminom na ko ng kape. Masarap ang timpla nila dito ha. Ee ito kayang paborito kong muffins, masarap rin kaya? Kumuha ako ng isa at kumagat rito. Hmmmm. Masarap rin. Sakto lang ang tamis. Ganito ang gusto kong timpla. Nag-co-compliment ang lasa nitong muffins at ng kape. 

Napansin kong umupo sa tapat ng babaeng may magagandang mata ang waitress na nag-serve sakin kanina. Magiliw silang nagku-kwentuhan na parang matalik na magkaibigan. Magkakilala ba talaga sila? Di ba sabi nya kanina na tawagin ko lang sya kung may kailangan ako? Pwede ko kaya syang tanungin kung anong pangalan nung magandang babae? Kakapalan ko na ba ang mukha ko o tatahimik na lang ako dito?

Sh8t! Ang hirap naman nito.

Naubos ko na ang mga muffins ko nang umalis yung waitress at bumalik ulet sya sa pagbabasa. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kalsada. 

Pag may isang blue na Mini Cooper na napadaan dito sa tapat within a minute, lalapitan ko sya. Time starts now.

60 seconds.

Hindi ko alam kung hihilingin ko bang may Mini Cooper na dadaan o wala. I cant decide.

50 seconds.

I rob another glance at her. She's still reading that book.

40 seconds.

Sweat is gently making its mark at my forehead.

30 seconds.

Still no sign of a Mini Cooper.

20 seconds.

What else can I do but to wait.

Last 10 seconds.

I was about to give up, when miraculously 4 seconds before the time is up a blue and white Mini Cooper parked at Cafe Fiorghara.

Damn!

This is too much! 

I'm just asking for a Mini Cooper to pass by but what God gave me is a Mini Cooper that parked right in front of my very eyes.

I compose myself.  Take a deep breathe. And grab my things. 

Sa bawat hakbang ko, pakiramdam ko unti-unting dinadagdagan ang weights sa paa ko. Parang biglang humirap ang simpleng paglakad. Ilang hakbang lang ay nasa tapat na ko ng isang  bakanteng upuan sa table nya. Umupo ako rito.

Nang marinig nyang gumalaw ang upuan, tumingin sya sa direksyon ko. Her hazel eyes are deeply rooted on mine. I managed to smile. " Hi."

No comment from her. Just a blank face.

" Do you remember me?"

Still no response.

" The guy from the bar. Remember?"

" OH! You're that PERVERTED D.O.M.?!" she almost screamed at me.

" NO! NO! NO!" sabi ko habang wine-wave ang kamay. " Ehem. Hi babe."

Binaba nya ang libro nya s table at tiningnan ako ng masama. " Ikaw yung lalaking yun?!"

" Believe it or not~"

" Tsch! Leave me alone. You're wasting my time."

" Ha? No, please. I'm just here to make up with you. To be your friend."

" I dont need a friend. I  dont need you." kinuha nya ang libro nya pati na rin ang isang brown na bag na nakasabit sa gilid ng upuan nya. " Kung ayaw mong umalis, ako na lang ang aalis." Tumayo na sya at dere-derechong naglakad sa counter.

" Oh, Lex. Aalis ka na?" narinig kong bati nung waitress kanina.

" Yeah. Wala na kasi yung 'peace' na meron ako dito kanina ii. Kaya uuwi na lang ako, Nini. Thanks for making me stay."

" No problem, Lex. You're always be welcome here."

" Thanks. Send my regards to Pat."

" I will babe. Drive safely." 

Dinigest ko muna ang mga nangyari. Ibig sabihin, kaibigan nya yung waitress kanina. Or most probably her best friend. At madalas sya dito. And most of all, Lex ang pangalan nya.

Tahimik lang akong nakaupo hanggang sa lumapit sakin yung waitress kanina para kunin ang pinagkainan ni Lex.

" Hi, Alexander Manio." bati sakin ni Nini.

Nagtataka akong sumagot sa kanya. " Kilala mo ko?"

" Yup."

" Pano?"

" Nakita kita dun sa bar. Nung nilapitan mo si Alexis at sinagip sya dun sa perverted na matandang yun. Kaya pinagtanong kita sa mga kakilala kong regular dun. Kaya nalaman ko na kung anong pangalan mo, kung san ka nagtatrabaho, kung anong trabaho mo basta lahat ng tungkol sayo. Anyway, salamat talaga ha."

" Wala yun. Hindi ko naman maaatim na mabastos ang isang babeng tulad nya."

Pinatong ni Nini ang siko nya sa table. " Ako'ng may kasalanan kung bakit nangyari yun sa kanya ii." napuno ng lungkot ang kanina'y masaya nyang mata. " Kung hindi ko lang sya pinilit na sumama samin  at kung hindi lang namin sya iniwan ni Pat. Hindi sana mangyayari sa kanya yun. Yan tuloy ayaw na nyang pumunta sa bar. Pano na ang social life nya?"

" Saglit lang. Ibig sabihin first time nyang pumunta sa bar nung gabing yun?"

Hindi nakasagot si Nini. Tumango lang sya.

" Wow~" yun lang ang nasabi ko. Ilang taon na ba si Alexis? Minor de edad pa lang ba sya? Damn! Baka makasuhan ako ng child abuse pag pinagpatuloy ko pa to.

" Hindi kasi ordinaryong tao si Lex, Alex. Isa syang prinsesang piniling ikulong ang sarili nya sa kanyang kastilyo."

" Ha? Mahina ako sa metaphor, Nini."

Napatawa lang sya. " Well, I've been Lex's best friend for almost half of her life. High school pa lang kami, magkasama na kaming dalawa. Ako lang ang nagtyagang intindihan sya at nagtyagang mag-effort na makipagkaibigan sa kanya. Hanggang mag-college, hindi sya nagbago. Loner at secretive pa rin. Hilig nya pa rin ang pagbabasa ng libro. Either fiction or non-fiction, she enjoys reading them. Madalas ko syang nakikita noong college na nankaupo sa ilalim ng shade ng puno habang may hawak na ballpen, scratch paper, calculator at reference book. Mas pipiliin nyang mag-aral kesa sa pumunta sa mall o mag-hang out. Kaya hindi na nakakapagtaka kung naging Cum Laude sya."

" Ang galing naman ni Alexis."

Kaya pala ganun ang aura nya. Para syang may invisible shield na nakapalibot sa kanya. Kakaiba talaga sya. With all the things that I heard from Nini, mas lalo pa kong napupursigi na kilalanin sya.

" Yeah. She's extraordinary girl." tumigil sya saglit. " But she's fragile."

" Fragile. That's right." sang-ayon ko sa kanya.

Panandalian kaming nabalot ng katahimikan. Pero bigla syang nagtanong na ikinagulat ko.

" You like her?"

" HA?!" gulat kong reaksyon. Ang prangka naman nya.

" Ay~ Erase that. YOU LIKE HER!"

At inulit pa talaga nya. Pakiramdam ko tuloy namumula na ko dito. Yumuko na lang ako para itago ang mukha ko. Narinig ko namang tawa ng tawa si Nini.

" Hahahaha. Ang cute mo. Nakakatuwa ka. Ikaw nga talaga ang kailangan ni Lex. Sa wakas nakilala rin kita."

" Nini. Naguguluhan na ko sayo."

" Matagal ko ng pinagdarasal na may isang prinsipeng dadating para iligtas ang prinsesang matagal ko ng iniingatan. And you're that prince Alex."

" H-how could you say that Nini?"

" The way you gazed at Lex kanina nung nakaupo sa kabilang dulo ng cafe. The way you protected her that night. I can feel it Alex. It's radiating from you. Nararamdaman kong poprotektahan mo si Lex kahit anong mangyari. Maybe ngayon hindi mo pa sya mahal pero at least nanjan ka para sa kanya. Masayang masaya talaga ko't dumating ka sa buhay nya. Sana alagaan mo sya."

Tumagos sa puso ko ang mga sinabi ni Nina. She's more like a protective mother to Alexis. Dahil sa mga sinabi nya, mas lalo kong gustong makasama sya at protektahan sya. Ako ang aalalay sa kanyang harapin ang mundo. Ako ang gagabay sa kanyang ibukas ang puso nya para sa ibang tao. Ako ang magiging prinsipe nya.

Hinawakan ni Nini ang kamay kong nakapatong din sa table. " I'm counting on you, Alex." she gave me a trustful smile.

" I'll do my best, Nini."

" O sige ha. Balik na ko sa kusina. Baka magselos na si Pat pag nag-stay pa ko dito ii. Bye, Alex. I'll see you soon~" tumayo na sya at umalis.


Mula ngayon, magsisimula na ang misyon ng prinsipe na iligtas ang prinsesa.

0 comments:

Post a Comment

 

Writer Wannabe Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review