Saturday, November 10, 2012

behind those eyes -- chapter 3

Posted by Cassa at 6:57 AM 0 comments
Chapter 3
Alex.





Pinark ko na ang kotse ko sa jam-packed parking space ng The Thai Restau. Kanina pang lumabas sa kotse ko si Alexis na parang inis na inis talaga sa ginawa ko. Hindi na ko nagulat kung ganun ang reaksyon nya. Ee sino ba namang hindi? Inaksaya ko ba naman ang ilang minuto ng lunch break nya, kaya mejo katanggap-tanggap naman kung halos sumabog ang mukha nya dahil sa pamumula at inis sakin.

Damn! Ang tanga ko talaga! Pano sya matutuwa sakin kung ngayon pa lang ee bugnot na sya sakin? Hay nako Alexander Manio, you’re a stupid idiot moron~! Pag hindi lang talaga nag-enjoy si Alexis ngayon, nako! Ewan ko lang sayo~ Buong buhay kang magsisi sa kalokohan mo. Hay! Bahala na nga! One last shot. And this time kelangan ko ng  pagbutihan.

Naglakad na ko pabalik sa restaurant. Hindi na nakatayo sa may pintuan si Alexis na kanina’y nandun pa at naghihintay sakin. Siguro pumasok na sya sa loob. Pagpasok ko nakita ko agad sya sa isa sa mga table na malapit sa bintana. Nasisinagan ng liwanag ang mganda nyang mukha. Para syang isang anghel na nakadungaw sa langit at nagbabantay sa isang mortal na tulad ko. Ang ganda nya. Naglakad ako palapit sa kanya. Napalingon sya sakin at sumimangot.


Natatawa ako sa ka-cute-an nya. Siguradong badtrip pa rin sya sakin. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tapat nya. “ So, may napili ka na bang kainin?”

“ Meron na. In fact, naka-order na nga ako ii.”

“ Ganun ba? Ipapasunod ko na lang ang order ko.”

“ Wag na. Inorder na kita ng pagkaen.”

Napangiti naman ako. “ Salamat.”

Umirap sya. “ Whatever.” Umiwas sya sa tingin ko at bumalik sa pagtulala sa bintana.

Ilang minutong napuno ng katahimikan ang table namin. Sa dami ng gusto kong sabihin at itanong sa kanya, hindi ko alam kung san ako magsisimula.

“ Ahmmm. Alexis.” Hindi sya sumagot. Nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita. “ I know it’s too late for this pero ahmmm. Ako nga pala si Alexander Manio.” Nilahad ko ang kamay ko para makipag-shake hands sa kanya. Tiningnan nya lang ang kamay ko, wondering if she should reach for it or not. Pero maya-maya, nakipag shake hands na sya sakin. “ Buti naman inabot mo ang kamay ko. Kala ko hahayaan mo lang na naka-hang ang kamay ko at mag mukhang tanga.”

“ Hindi naman ako bastos Mr. Manio.”

“ Alex nalang. Hindi mo kelangang maging pormal. By the way, ano nga palang trabaho mo?”

“ Interview ba to?” nakataas ang kilay nya.

“ I’m just trying to make a conversation with you Miss Alexis.”

She rolled her eyes. “ I’m a design Engineer. Electrical Department.”

“ That’s great. I bet you’re an asset of the company.”

“ Hindi mo ko kelangang bolahin Mr. Manio.” Uminom sya ng tubig.

“ hindi kita binobola.” I said in a serious tone. “ I’m stating a fact.”

She leaned forward. “ At pano mo naman nasabi yan ha? Are you stalking me, Mr. Manio?”

Bago ako makasagot at ipagtanggol ang sarili ko, dumating na ang order namin. Unang nilapag ng waitress ang dalawang baso ng Lemon Juice. Sinunod nya naman ang  isang half a whole Spicy Chicken. Sunod naman ang isang bowl ng Tom Yum noodles. At huling nilagay ang kanin na parang good for four.

Damn! Of all the foods na nasa menu, bakit eto pa ang napili nya? Lahat ng bawal sakin, nasa harapan ko. Allergic ako sa seafoods. Hindi ako nakaen ng spicy food. Nako naman! Pano ko kakaen nito?

Kumuha na ng kanin at isang part ng chicken si Alexis. “ Mr. Manio, bakit hindi ka p nakaen?” napatigil sya sa pagkuha ng noodles ng mapansin nyang nakatingin lang ako sa kanya. “ Don’t tell me hindi mo gusto ang inorder ko?”

“ ah kasi Alexis~”

“ Kung ganon pala,” binaba nya ang hawak nyang kutsara, “ Dapat ikaw na lang ang umorder kanina. Tssss.” She glared at me. “ Bahala ka nga jan.” kinuha nya ulet ang kutsara, “ Basta ako’y kakaen na. Ma-le-late na kasi ako ii.” Nagpatuloy na sya sa pagkaen.

“ I’m sorry.” Bulong ko.

“ Ano?!” irritable nyang tanong.

 “ Aa wala.” Ngumiti ako at kumuha ng kanin. Kumuha rin ako ng noodles pero iniwasan kong makuha ang mga hipon kaya mejo natagalan ako. Sunod kumuha ako ng konting part ng chicken. Tinanggal ko na rin ang balat. Sigurado naman kasing sa balat lang ang anghang nito.

Nag-uumpisa pa lang akong kumaen pero sya halos patapos na. Ang dami nyang nilagay sa plato nya kanina at ngayon ee halos maubos na nya. Natigilan ako at napatitig na lang sa kanya. Pakiramdam ko busog na ko sa view. Ang aliwalas ng mukha nya. A tough girl with an angelic face. Extraordinary.

Napansin nya sigurong nakatitig ako kaya bigla syang tumigil sa paghigop ng sabaw ng Tom Yum Noodles. “ Alam kong malaks akong kumaen kaya please, wag mo kong tingnan ng ganyan.”

“ I can’t help it Alexis. Nag-e-enjoy kasi akong tingnan ka ii.”

“ Well ako hindi nag-e-enjoy sa tingin mo. Para kang pervert. Kaya stop that.” Inubos na nya ang inorder nyang juice at tumingin sa relo. “ Ma-le-late na ko.”

“ Ganun ba?” Uminom na rin ako ng juice at sinenyasan ang waitress para sa bill. Pagkaabot ng waitress, kumuha ako ng 500 sa wallet ko. Pero bago ko pa malagay to sa bill, nagsingit si Alexis ng 300 pesos.

“ Bayad ko sa kinaen ko.”

Kinuha ko ang pera nya at binalik sa kanya. “ No need. My treat.”

“ I insist.” Nilagay nya ulet yung pera sa loob. “ I barely know you. Tapos pababayaran ko sayo ang kinaen ko? Hindi naman ganung ka-kapal ang mukha ko Mr. Manio. Kaya wag ka ng magreklamo jan. Ma-le-late na ko.”

“ Fine.” Kinuha ko yung 300 at binalik yung 500.

“ Let’s go.” Yaya nya sakin. Pumunta na kami agad sa parking space at bumalik na sa opisina nya. Ilang minuto lang kaming nag-drive. Tumawid lang kami at nag-drive ng konti. Halos katapat lang kasi ng Madrigal yung restaurant.

Habang papalapit kami sa building nila, palakas ng palakas ang kabog ng puso ko. Parang ayoko na syang pabalikin. Gusto ko sanang mag-roadtrip at hindi na tumigil hanggang sa malibot namin ng buong mundo. Kasi sa susunod na tigil ng kotse, malalaman ko na ang resulta ng lunch na to.

Pumasok na kami sa Madrigal Street. Pag liko ko sa kaliwa, tanaw na tanaw ko na ang finish line. Panalo kaya ako o uuwi ako ng luhaan? Ilang segundo nalang. Ilang mahabang segundo.

“ Dito na ko.” Bumaba na sya ng kotse.

“ Ingat ka.” Ngumiti ako sa kanya pero mukhang hindi nya nakita. Tuloy-tuloy lang kasi syang naglakad papunta sa hagdan. Hindi sya nag-abalang lumingon sakin. Mukhang eto na ata ang sagot nya. Mukhang talo ako.

Binuhay ko na ang makina ng kotse. Hanggang ngayon umaasa pa rin akong lilingon sya para sabihin sakin ang buong pangalan nya kahit nasa huling hakbang na sya ng hagdan. May pag-asa pa naman di ba?

Paandarin ko na sana ang kotse pero hindi ko nagawa dahil sa isang sigaw mula sa kanya. mapatigil ako. “ Alex~”

Nakatingin sakin si Alexis at naglalakad sya palapit sakin. Ano kayang gagawin nya? Gets ko na naman na talo ako ii. Hindi na nya kelangan pang gawin to.

“ A-ahmm. Y-yes?” nauutal kong sagot. Kabado ako ngayon! Para kong nauubusan ng oxygen dahil sa sobrang kaba.

“ Ahmm. Thanks for the lunch.” Tumalikod na ulet sya at naglakad.

Thanks for the lunch?! Yun lang?! Yun na ba talaga yun? Ang sakit naman.  Well, better luck next time, Alex.

Thursday, November 8, 2012

when miss go-getter and mister tsundere met -- chapter 3

Posted by Cassa at 5:36 AM 0 comments

Chapter 3
First Day – Again?!

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Pero bago ako lumabas sumilip muna ko sa huling beses  sa vanity mirror ko. Ay grabe! Ang ganda ko! Imposibleng hindi ako mapansin ni Eros sa ganda kong to. May gash! Tingnan mo yang mukha na yan~ Bilugan ang mata. Maputi at makinis ang mukha. Walang ka-bakas-bakas ng pimples. Hindi ganun katangos ang ilong. Maliit at pula ang labi. Nakakainis! Pati ako nagagandahan sa sarili. Vanity at its finest!


Pa-sway sway akong bumaba ng kwarto. Pagpunta ko sa kusina nandun si Nanay at Tatay. Si Kuya kanina pa pumasok sa opisina. Ang laki laki ng ngiti sa mukha nilang dalawa. Sus! Porke babalik na ko sa eskwelahan, ganyan na sila sakin. Parang nung isang araw lang, pagnakikita nila ako parang dinaanan ng bagyong Ondoy ang mukha nila. Pak na pak sa galit. Pero ngayon oh! Kung makangit kala mo model ng toothpaste. Masakit sa mata. Nakakasilaw.

“ Oy Aya, anak! Kumaen ka na ng almusal mo. Baka ma-late ka pa sa klase mo nyan. Anong oras nga pala ang simula ng klase nyo?” tanong ni Tatay.

Umupo na ko at kumuha ng tinapay at hotdog. “ Mamayang 8am po.”

Napatingin si Tatay sa relo nya, “ Ee 7.45 na anak. Bilisan mo na sa pagkaen, baka mahuli ka pa sa klase mo.”

“ ay oo nga po!” kumuha muna ako ng isa pang tinapay at hotdog bago tumayo. “ Sige po. Aalis na ko.”

“ Oh baon mo.” Inabot sakin ni Nanay ang cute kong pink na bento box at baon kong cash. Kung magkano, secret na lang yun! “ Bilisan mo na. Mag-iingat ka.”

Nag-mano muna ko sa kanila bago ako umalis. Hindi kami mayaman. May isang maliit na talyer si Tatay at may karinderya naman si Nanay. Si Kuya naman ay nagtatrabaho sa isang Japanese Engineering firm. Civil engineering kasi ang natapos nyang kurso kaya dun nya naisipang magtrabaho. Ako na lang ang nag-aaral kasi ako ang bunso. Masaya ko sa pamilya ko kahit laging nagbubunganga si Nanay at laging nang-aasar si Tatay at Kuya. Masasabi kong maswerte ako dahil biniyayaan ako ng Dyos ng pamilyang kasing gulo nila. Kaya nga siguro ganito akong ka-optimistic sa buhay dahil sa mga taong nakapalibot sakin.

Sumakay na ko ng jeep. 10 minutes lang ang byahe ko. Mejo malapit lang naman ang bahay namin sa school ii. Dati na kong nag-aral sa school na to. Mula nung first year hanggang unang tatlong araw ng fourth year kasi pagdating ng ika-apat na araw, tinamad na kong pumasok. Boring kasi sa school ii. Yung mga teachers ko kasi, hindi sila magtuturo ng bagay na hindi ko pa alam. So why waste my time for this crap kung lahat naman ng naririnig ko ee matagal ng nakasaksak sa utak ko. Kaya mula nun, hindi na ko pumasok sa school. Wala rin akong naging kaibigan dahil sa medaling pag-alis ko. 2 months na ang nakalipas pero heto ako ngayon, buong pusong nagbabalik. Hindi para sa edukasyon kundi para sa magandang nilalang na si Eros at ang pagkakataong makasama sya.

Ang mgaganda at mapupungay nyang mga mata. Ang suplado nyang aura. Ang leather jacket nya. Yaaaay! Iniisip ko palang sya kinikilig na ko.  Pano pa kaya pag kaharap ko na sya at araw-araw na kasama?! Ow-my-gaaaaash! Baka hindi ko kayanin to~!

After 10 minutes, bumaba na ko at tumakbo na papasok ng school. Pagka-swipe ko ng ID, bumukas na ang turnstile at pumasok na ko. Weew~ Buti nalang na-re-recognize pa ng device yung ID ko kahit 2 months ko ng hindi ginagamit to. I guess hindi pa talaga ako na-ki-kick out.

Dumerecho ako sa Faculty Room. Naglakad ako palapit sa  Homeroom Teacher na si Sir Raffy. Nakatingin sakin ang mga teachers sa faculty room. Well, sa tagal ko ba namang mg-aral sa school na to, malamang kilala na nila ko at alam din nila na ngayon lang ako nagbalik. Papalapit palang ako kay Sir Raffy kitang kita ko na na busy  sya sa pag-inom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo.


“ Excuse me Sir Raffy.” Sabi ko.

Binaba nya ang nakaharang na dyaryo sa mukha nya at tiningnan ako. “ Miss Alonzo!”

Ngumiti ako at bumati, “ Good morning Sir.”

“ Aba! Welcome back Miss Alonzo. Kamusta ka naman?”

“ Ok naman po Sir. Eto nga po ee. Balik loob na nga po ko dito sa school.” Pabiro kong sagot sa kanya.

“ Akalain mo yun?! Kala ko hinding hindi ka na babalik dito ii.”

“ Well, whether you like it or not Sir, I’m back!” buong excitement kong binalita sa kanya.

“ Maligayang pagbabalik sayo Aya.”

“ Thank you Sir.” Sabi ko.

Patayo na si Sir Raffy at dala ang mga gamit nya ng biglang tumunog na ang hudyat na simula na ng klase.

“ So Miss Maria Izadora Alonzo, are you ready?” nakangiti sakin si Sir Raffy.

I just nod.

“ Then let’s go!”

Mabait si Sir Raffy. Teacher ko na sya sa Biology nung 2nd year at naging malapit sya sa buong klase kaya naman kumportable ako sa kanya. Buti na lang at sya ang Homeroom teacher namin kasi kung hindi ee mahihirapan akong bumalik dito sa school at mahihirapang mag-progress ang relasyon namin ni Eros.

Unang pumasok ng classroom si Sir Raffy. Sya ang teacher sa unang subject naming kaya sya na rin ang mag-we-welcome sakin sa mga kaklase ko.

“ Good morning class.” Bati nya sa kanila.

“ Goooooood morning Sir Raffy!” sagot naman nila.

“ Ngayon umaga, gusto kong ipakilala sa inyo ang bago nyong classmate or should I say nagbabalik nyong classmate.”

“ Si Aya po ba yun Sir?!” sigaw ng isa sa mga classmates ko. Napangiti naman ako. Kasi kala ko nalimutan na nila ko. 3 days ko lang naman kasi silang nakasama ii. Kahitt pala wala akong naging kaibigan ee may nakakaalala naman pala sakin. O baka naman ee isa sya sa mga dati kong kaklase noon. Asa naman agad ako?!

“ Well, malalaman natin kung tama ang hula mo Lisa.” Tumigil saglit si Sir Raffy bago nya sinabi na, “ O sige pumasok ka na.”

Binuksan ko na ang sliding door at pumasok sa loob. Nakayuko akong naglalakad papunta sa kinatatayuan ni Sir Raffy. Tumigil ako saglit at huminga ng malalim bago magsalita.

“ Good morning. I’m Maria Izadora Victoria Alonzo. A~” bago ko pa matapos ang gusto kong sabihin, natigilan nalang ako ng sumigaw si Lisa.

 “ Ayaaaa!” sigaw nya habang nag-we-wave sakin ng bonggang bongga. Nginitian ko sya at kumaway din sa kanya.

“ Hi Lisa” bati ko sa kanya. Magkaklase na kami ni Lisa mula nung 2nd year. Pero hindi naman kami super close kaya nga mejo hindi ko gets kung bakit ganun ka pak na pak ang pagbati nya sakin. FC lang ha.

Pinagpatuloy ko na ang pagpapakilala ko for the sake of others, “ By thet way, pwedeng AYA nalang ang itawag nyo sakin. Hindi kasi masyadong napag-isipan ng mga magulang ko yun pangalan ko ii. Kaya ganito ang kinalabasan.” Mejo napatawa naman sila sa sinabi ko. Maliban lang sa isang gwapong lalaking nakaupo sa bandang gitna ng classroom. Napatuon agad sa kanya ang atensyon ko at hindi na inintindi ang iba pang sinabi ni Sir Raffy.

Bumaba nako sa flatform at naglakad palapit kay Eros.  May nakaupo sa upuan sa tabi nya kaya kelangan ko munang dumiskarte para makaupo ako sa  kanyang tabi sa buong school year.

“ Ahmmm. Excuse me. Pwede bang dyan ako umupo sa inuupuan mo ngayon?” Ang galang-galang ng pagkakatanong ko diba?

“ Sorry pero wala akong balak na lumipat ng pwesto. Maghanap ka ng sarili mong upuan kesa nang-aagaw ka.”  Pabalang na sagot nya. Kung imbyerna lang talaga ko sa kanya baka kanina ko pa sya nasabunutan dahil sa nakakapikon nyang attitude. Bitch na bitch si Ate ii.

“ Pretty please. Pagbigyan mo na ko.” Pakiusap ko sa kanya.

“ Ayoko.” Mariing sagot nya sakin.

Ay shit! Papatayin ko tong babaeng to! Paking tape! Kung hindi lang nakatingin samin si Eros kanina ko pa sya nasampal at hindi ako pangiti-ngiti na parang aso ngayon sa kanya. Buti nalang nagsalita yung isa naming classmate. Nakaupo sya sa kabilang side ni Eros.  Swerte nya~

“ Aya! Gusto mo dito ka nalang umupo. Ako nalang ang lilipat ng upuan.” Sabi ng classmate naming lalaki. Naka-salamin sya at mejo nerdy ang dating. Pero ang mabait sya ha.

Wow! Akala ko yung bitch lang na yun ang swerte, ako din pala!

Nginitian ko sya ng pagkatamis-tamis, “ Thank you ha” sabay pa-tweetums na bat ng eyes. Umalis na sya sa inuupuan nya saka ko pumalit. Pag upo ko, nagsisimula ng magsulat si Sir Raffy kaya nilabas ko na ang notebook at ballpen ko. Pero bago ko magsulat, tiningnan ko muna tong gwapo dito sa tabi ko.

“ Hi Eros.” Bati ko sa kanya. “ Ako nga pala si Aya.” Gusto ko sanang makipag-kamay sa kanya pero ni hindi man lang ako nilingon nung binati ko sya. Kaya balik nalang ako sa pagsusulat. Siguro wala lang sya sa mood ngayon.

Habang nagsusulat ako, dumulas sa kamay ko yung ballpen na hawak ko. Takte! Pa-tanga-tanga na naman ako. Kainis! Gumulong yung ballpen papunta dun sa … paahan ni Eros. Nag-amok ang puso ko nung malaman kong sya ang may-ari ng pang pinag-landingan ng lecheng ballpen ko. Dahil halos one seat apart ang layo ng upuan nya sa upuan ko, pinakiusapan ko syang iabot sakin yung ballpen ko.

“ Ahmmm. Eros. Pwede bang~” lumingon sya sakin at masama ang tingin kaya napatigil tuloy ako sa pagsasalita. Pero after ng ilang segundo, huminga ako ng malalim at nginitian sya. “ Pwede bang iaabot mo sakin yung ballpen ko?”


Yumuko sya at kinuha yung ballpen. Walang ka-emo-emosyon nyang inabot  to sakin. “ Sa susunod wag kang tatanga-tanga para hindi ka nakaka-istorbo sa ibang tao. Stupid. ” Sabi nya habang kinukuha ko yung ballpen ko.

“ Sorry Eros.” Sabi ko. Sorry talaga. Hindi ko naman inaasahan na magiging malaking abala sa kanya yung pagkuha ng ballpen ko ii. Hello?! Ballpen lang naman yun ii. Kaya akala ko ok lang kung magkakawang gawa syang iabot sakin yun dib a? Pero sorry talaga Eros. Hindi ko na uulitin.

“ Tska pano mo nalaman ang pangalan ko? Stakler ka ba?” naiirita nyang tanong sakin.

“ Ah. Bakit?” mejo may kilig pa kong naramdaman.

“ Anong bakit?” naiinis na tanong ni Eros.

“ Ha? Kala ko kasi babanat ka.” Natatawa ko sa naisip ko. Ang tanga ko talaga.

“ Tsss. Inuulit ko ang tanong, pano mo nalaman ang pangalan ko?”

“ Ahmmm. Narinig ko lang.” Pak! Bakit ako nagsinungaling?! Ee kasi naman ii. Bad shot na nga ko sa kanya ngayon pano pa kaya pag nalaman nya na ako yung babae sa PC Accessories Shop baka ipatapon na nya ko sa outer space nito. Kaya keri na na ganito lang ang alam nya.

“ Mister Mignon and Miss Alonzo, would you like to share something to us?” Napalingon ako bigla kay Sir Raffy na derecho at piercing ang tingin samin ni Eros.



“ Ahmmm Sir~” napatingin ako sa blackboard at may nakalagay na ‘Answer this’. Aha! Alam ko ang chemical name nyan ii. “ Calcium Carbonate,sir.”

Napatigil angmga kaklase ko sa pagsusulat at napatingin lahat sakin. Napansin kong umiling si Eros mula sa peripheral vision ko.

“ I’m sorry Miss Alonzo pero mali ang sagot mo. Common name ang hinihingi kong sagot. Hindi chemical name. Nakalagay dito sa instruction di ba?” sabi ni Sir Raffy sabay turo ng stick sa sentence na nasa taas ng no.1.  May goodness Sir Raffy! Bakit hindi mo sinabi agad?! May problema ka bas akin ha?!

Pero yung totoo~ Ang reckless ko talaga! Shoooot! Bakit ba hindi ko muna binasa yung instruction?! Well, it makes no difference kung nabasa ko yung instruction. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong common name ng Calcium Carbonate.



“ Mister Mignon, would you like to answer question no. 1?” tanong ni Sir Raffy. Umupo na ko at tiningnan si Eros habang tumatayo sya. Bakit ganun? Bakit parang may iniiwan syang glitter dust sa upuan nya? Gaash! Ang gay ng naiisip ko! Baka mamaya makakita na ko ng unicorn at rainbow sa pa-sway sway palibot sa kanya. Yaaaak! Ang gay nun!

“ Calcium Carbonate’s common name is Chalk, Sir Raffy.” Sagot ni Eros.

“ Very good Mr. Mignon. Chalk is the common name for Calcium Carbonate, Miss Alonzo.” Whatever Sir Raffy. May problema ka talaga sakin nuh?! Suntukan nalang Sir!

Umupo na si Eros. Wow! Ang galing nya talaga. Hindi ko pa rin matanggal ang tingin ko sa kanya. Nagsimula na syang magsulat nang bigla ulet syang lumingon sakin.

“ Wag mo nga kong titigan.” He glared at me then bumalik na sya sa pagsusulat. “ Calcium Carbonate lang hindi pa alam. Stupid~”

Ano daw?! Tinawag nya kong stupid?! As in STUPID?! Pakingtape na tinapa! Kahit crush na crush ko sya, hindi ako papayag na pagsasalitaan nya ko ng ganun ha. ‘tado tong lalaking to aa! Grrrr~ pinag-iinit nya ang ulo ko.

“ Narinig ko yung sinabi mo. Mag-sorry ka sakin.” Sabi ko sa kanya.

Binaba nya ang ballpen nya at nakapangalumbabang lumingon sakin, “ bakit? May mali ba sa sinabi ko? Totoo naman di ba? Ang simple lang ng tanong hindi mo pa nasagot.”



“ excuse me Mister Mignon. Hindi ko nabasa yung instruction na common name pala ang dapat isagot. Kaya~”

“ So you’re telling me na alam mo talaga ang common name ng mga chemicals na nasa blackboard?” panghahamon nya sakin.

Mejo nagdadalawang-isip akong sumagot. Alam nyo naman ang totoo di ba? Hindi ko talaga alam yung common name ng ibang chemicals dun. Pero syempre hindi ako agad-agad na magpapatalo sa lalaking to. “ O-oo n-naman!” buong pagmamayabang ko ring sagot sa kanya.

“ Talaga lang ha.” Sabi nya sabay smirk. Bumalik na ulet sya sa pagsusulat.

Tsss. Napipikon na ko sa kanya ha. Ang yabang! Ang angas! Ang pogi! Ang yummy! Nakakainis! Kahit anong badtrip ko sa kanya, gusto ko pa rin sya. Nakakabaliw to aa. Pero kelangan kong itayo ulet ang bandila ng pride ko. Talo ko sa unang round ng pagtutuos namin ii. Hindi ako papatalo ulet. I need my revenge!

Tumayo ako at tinawag si Sir Raffy. “ Sir Raffy. Hinahamon ko po si Eros Mignon sa isang Chemistry competition.”

“ Chemistry competition?” nagtatakang tanong ni Sir. Pati mga kaklase ko nagtataka rin sa mga pinagsasabi ko. Wag kayong umepal. Baka masapak ko lang kayo.

“ Opo. Tulad po nung ginawa natin dati sa Biology.” I gave him a do-you-remember look.

“ Aa oo! Natatandaan ko na. hmmm. Pwede rin. Payag ba kayo class?” tanong ni Sir.

“ Actually, I like the idea po Sir. Pero mas exciting po kung may upstake sa game na to. Like yung mananalo ay magkakaroon ng prize from the loooooser.” Suggestion nitong konyo kong classmate. Ay grabe! Ang sarap hugutin ng tonsil nya ii.

“ Mukhang maganda ang suggestion mo, Ania.” Acknowledge nya sa suggestion nung Ania. Pangalan palang konyo na ii. “ Let’s make this clear for both parties. Next week gaganapin ang first ever Chemistry competition. Random questions ang ibibigay ko sa inyo. Kung sinong mas maraming points sa pagtatapos ng game ang panalo. And as consequence, paparusahan ng winner ang loser. Bahala na ang winner kung anong gusto nyang gawin sa loser as long as hindi Rater SPG ang consequence. So, Mister Mignon and Miss Alonzo, is it a deal?”

Nagkatinginan muna kami ng masama ni Eros bago sabay na sumagot. “ DEAL!”



AUTHOR's NOTE:

Available na po to sa wattpad. Sana po mabasa nyo po to dun :)
Suportahan nyo po sana ako ^_______^

XOXO


 

Writer Wannabe Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review