Saturday, November 10, 2012

behind those eyes -- chapter 3

Posted by Cassa at 6:57 AM
Chapter 3
Alex.





Pinark ko na ang kotse ko sa jam-packed parking space ng The Thai Restau. Kanina pang lumabas sa kotse ko si Alexis na parang inis na inis talaga sa ginawa ko. Hindi na ko nagulat kung ganun ang reaksyon nya. Ee sino ba namang hindi? Inaksaya ko ba naman ang ilang minuto ng lunch break nya, kaya mejo katanggap-tanggap naman kung halos sumabog ang mukha nya dahil sa pamumula at inis sakin.

Damn! Ang tanga ko talaga! Pano sya matutuwa sakin kung ngayon pa lang ee bugnot na sya sakin? Hay nako Alexander Manio, you’re a stupid idiot moron~! Pag hindi lang talaga nag-enjoy si Alexis ngayon, nako! Ewan ko lang sayo~ Buong buhay kang magsisi sa kalokohan mo. Hay! Bahala na nga! One last shot. And this time kelangan ko ng  pagbutihan.

Naglakad na ko pabalik sa restaurant. Hindi na nakatayo sa may pintuan si Alexis na kanina’y nandun pa at naghihintay sakin. Siguro pumasok na sya sa loob. Pagpasok ko nakita ko agad sya sa isa sa mga table na malapit sa bintana. Nasisinagan ng liwanag ang mganda nyang mukha. Para syang isang anghel na nakadungaw sa langit at nagbabantay sa isang mortal na tulad ko. Ang ganda nya. Naglakad ako palapit sa kanya. Napalingon sya sakin at sumimangot.


Natatawa ako sa ka-cute-an nya. Siguradong badtrip pa rin sya sakin. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tapat nya. “ So, may napili ka na bang kainin?”

“ Meron na. In fact, naka-order na nga ako ii.”

“ Ganun ba? Ipapasunod ko na lang ang order ko.”

“ Wag na. Inorder na kita ng pagkaen.”

Napangiti naman ako. “ Salamat.”

Umirap sya. “ Whatever.” Umiwas sya sa tingin ko at bumalik sa pagtulala sa bintana.

Ilang minutong napuno ng katahimikan ang table namin. Sa dami ng gusto kong sabihin at itanong sa kanya, hindi ko alam kung san ako magsisimula.

“ Ahmmm. Alexis.” Hindi sya sumagot. Nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita. “ I know it’s too late for this pero ahmmm. Ako nga pala si Alexander Manio.” Nilahad ko ang kamay ko para makipag-shake hands sa kanya. Tiningnan nya lang ang kamay ko, wondering if she should reach for it or not. Pero maya-maya, nakipag shake hands na sya sakin. “ Buti naman inabot mo ang kamay ko. Kala ko hahayaan mo lang na naka-hang ang kamay ko at mag mukhang tanga.”

“ Hindi naman ako bastos Mr. Manio.”

“ Alex nalang. Hindi mo kelangang maging pormal. By the way, ano nga palang trabaho mo?”

“ Interview ba to?” nakataas ang kilay nya.

“ I’m just trying to make a conversation with you Miss Alexis.”

She rolled her eyes. “ I’m a design Engineer. Electrical Department.”

“ That’s great. I bet you’re an asset of the company.”

“ Hindi mo ko kelangang bolahin Mr. Manio.” Uminom sya ng tubig.

“ hindi kita binobola.” I said in a serious tone. “ I’m stating a fact.”

She leaned forward. “ At pano mo naman nasabi yan ha? Are you stalking me, Mr. Manio?”

Bago ako makasagot at ipagtanggol ang sarili ko, dumating na ang order namin. Unang nilapag ng waitress ang dalawang baso ng Lemon Juice. Sinunod nya naman ang  isang half a whole Spicy Chicken. Sunod naman ang isang bowl ng Tom Yum noodles. At huling nilagay ang kanin na parang good for four.

Damn! Of all the foods na nasa menu, bakit eto pa ang napili nya? Lahat ng bawal sakin, nasa harapan ko. Allergic ako sa seafoods. Hindi ako nakaen ng spicy food. Nako naman! Pano ko kakaen nito?

Kumuha na ng kanin at isang part ng chicken si Alexis. “ Mr. Manio, bakit hindi ka p nakaen?” napatigil sya sa pagkuha ng noodles ng mapansin nyang nakatingin lang ako sa kanya. “ Don’t tell me hindi mo gusto ang inorder ko?”

“ ah kasi Alexis~”

“ Kung ganon pala,” binaba nya ang hawak nyang kutsara, “ Dapat ikaw na lang ang umorder kanina. Tssss.” She glared at me. “ Bahala ka nga jan.” kinuha nya ulet ang kutsara, “ Basta ako’y kakaen na. Ma-le-late na kasi ako ii.” Nagpatuloy na sya sa pagkaen.

“ I’m sorry.” Bulong ko.

“ Ano?!” irritable nyang tanong.

 “ Aa wala.” Ngumiti ako at kumuha ng kanin. Kumuha rin ako ng noodles pero iniwasan kong makuha ang mga hipon kaya mejo natagalan ako. Sunod kumuha ako ng konting part ng chicken. Tinanggal ko na rin ang balat. Sigurado naman kasing sa balat lang ang anghang nito.

Nag-uumpisa pa lang akong kumaen pero sya halos patapos na. Ang dami nyang nilagay sa plato nya kanina at ngayon ee halos maubos na nya. Natigilan ako at napatitig na lang sa kanya. Pakiramdam ko busog na ko sa view. Ang aliwalas ng mukha nya. A tough girl with an angelic face. Extraordinary.

Napansin nya sigurong nakatitig ako kaya bigla syang tumigil sa paghigop ng sabaw ng Tom Yum Noodles. “ Alam kong malaks akong kumaen kaya please, wag mo kong tingnan ng ganyan.”

“ I can’t help it Alexis. Nag-e-enjoy kasi akong tingnan ka ii.”

“ Well ako hindi nag-e-enjoy sa tingin mo. Para kang pervert. Kaya stop that.” Inubos na nya ang inorder nyang juice at tumingin sa relo. “ Ma-le-late na ko.”

“ Ganun ba?” Uminom na rin ako ng juice at sinenyasan ang waitress para sa bill. Pagkaabot ng waitress, kumuha ako ng 500 sa wallet ko. Pero bago ko pa malagay to sa bill, nagsingit si Alexis ng 300 pesos.

“ Bayad ko sa kinaen ko.”

Kinuha ko ang pera nya at binalik sa kanya. “ No need. My treat.”

“ I insist.” Nilagay nya ulet yung pera sa loob. “ I barely know you. Tapos pababayaran ko sayo ang kinaen ko? Hindi naman ganung ka-kapal ang mukha ko Mr. Manio. Kaya wag ka ng magreklamo jan. Ma-le-late na ko.”

“ Fine.” Kinuha ko yung 300 at binalik yung 500.

“ Let’s go.” Yaya nya sakin. Pumunta na kami agad sa parking space at bumalik na sa opisina nya. Ilang minuto lang kaming nag-drive. Tumawid lang kami at nag-drive ng konti. Halos katapat lang kasi ng Madrigal yung restaurant.

Habang papalapit kami sa building nila, palakas ng palakas ang kabog ng puso ko. Parang ayoko na syang pabalikin. Gusto ko sanang mag-roadtrip at hindi na tumigil hanggang sa malibot namin ng buong mundo. Kasi sa susunod na tigil ng kotse, malalaman ko na ang resulta ng lunch na to.

Pumasok na kami sa Madrigal Street. Pag liko ko sa kaliwa, tanaw na tanaw ko na ang finish line. Panalo kaya ako o uuwi ako ng luhaan? Ilang segundo nalang. Ilang mahabang segundo.

“ Dito na ko.” Bumaba na sya ng kotse.

“ Ingat ka.” Ngumiti ako sa kanya pero mukhang hindi nya nakita. Tuloy-tuloy lang kasi syang naglakad papunta sa hagdan. Hindi sya nag-abalang lumingon sakin. Mukhang eto na ata ang sagot nya. Mukhang talo ako.

Binuhay ko na ang makina ng kotse. Hanggang ngayon umaasa pa rin akong lilingon sya para sabihin sakin ang buong pangalan nya kahit nasa huling hakbang na sya ng hagdan. May pag-asa pa naman di ba?

Paandarin ko na sana ang kotse pero hindi ko nagawa dahil sa isang sigaw mula sa kanya. mapatigil ako. “ Alex~”

Nakatingin sakin si Alexis at naglalakad sya palapit sakin. Ano kayang gagawin nya? Gets ko na naman na talo ako ii. Hindi na nya kelangan pang gawin to.

“ A-ahmm. Y-yes?” nauutal kong sagot. Kabado ako ngayon! Para kong nauubusan ng oxygen dahil sa sobrang kaba.

“ Ahmm. Thanks for the lunch.” Tumalikod na ulet sya at naglakad.

Thanks for the lunch?! Yun lang?! Yun na ba talaga yun? Ang sakit naman.  Well, better luck next time, Alex.

0 comments:

Post a Comment

 

Writer Wannabe Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review