Chapter 1
Starting Point – The
Beginning
Bagong araw na naman. Isang bagong umaga na sinalubong ng
matinding pag-iingay na galing sa mala-armalite na bibig ng nanay ko. Ano na
naman kaya ang ikinapuputok ng fuse nya ngayon?
“ Ayaaaaaaaaaaaaaa!” sigaw ni Nanay mula sa kusina ng bahay.
Sa liit ng bahay na to, bakit kelangan pa nyang sumigaw ng pak na pak para lang
gisingin ako? Nakakasira naman ng umaga. Kinuha ko ang aking paboritong hotdog
na unan at niyakap to. Dedma sa pag-a-amok ni Nanay. Titigil din yan pag
nagsawa na sya sa pagsigaw.
![]() |
the go-getter~ AYA |
At makalipas ng ilang minuto, nakumpirmang tama ang teyorya
ko na titigil si Nanay anytime soon. Nagkaroon ng konting katahimikan sa buong
bahay. Tanging ang mabango at nakakapang-tulo laway na aroma ng ginigisang
bawang para sa sinangag ang pumuno sa senses ko. Sobrang yummy ng amoy. Hmmmm.
Makabangon na nga.
Kung hindi ba naman ako minamalas, kung kelan ko naisipang
bumangon, saka bumukas ang pinto at padabog na pumasok si Nanay.
“ Anak ng tinapa Ayaaa!” sigaw nya habang naglalakad sya sa
kwarto. Mga tatlong hakbang lang yun mula sa pinto para maka-abot sya sa kama
ko. “ Ano bang balak mo sa buhay mo?!” Mukhang isang matinding round na naman
to ng sermon aa.
“ Wala po. Baka may gusto PO kayong i-suggest.” Sagot ko sa
kanya. Oops! Wag kalimutan ang PO~ Importante yan. Dapat laging may PO kahit pabalang sumagot. Ok?!
Nakaupo pa rin ako sa kama. Yung kumot nasa lap ko pa. Pag-alis ni Nanay
dito, pwede pa kong matulog. Palalampasin ko nalang muna yung sinangag.
Dahil sa balasubas kong sagot, binatukan ako ni Nanay. “
Walang-hya ka talagang bata ka! Bakit ayaw mong mag-aral?! Maraming bata ang
gustong mag-aral jan~”
“ Ee di sila nalang PO ang pag-aralin nyo.” Singit ko sa
sermon nya. Ayun. Nabutakan ulit tuloy ako. Strike two!
“ Maria Izadora Victoria! Napaka-pasaway mo.” Sabi ni Nanay.
Tumayo na ko at kumuha ng damit. “ HAAAY!" sinabunutan ni Nanay ang sarili nya.
Tumayo naman ako para pigilan sya. " Ano ba 'Nay! Kaya PO nauubos yang buhok mo ii. Dahil sa ginagawa mong yan PO!"
" Ay grabe!" Napa-face palm si Nanay " Hindi mo ba alam kung gano kalaki ang
isinasakripisyo naming ng Tatay at Kuya mo para sayo para makapag-aral ka
lang?! Pero ikaw! Mas gusto mong magkulong dito sa makalat mong kwarto at
humarap maghapon sa laptop mo. Hindi ba nanakit ang mata mo kakatitig jan?”
Tumigil ako sa pamimili ng panty. Lumingon ako kay Nanay at
sumagot, “ Hindi po.”
Kung abot ako ng mabilis na kamay ni Nanay, siguradong
nabatukan na naman ako nun. Minsan nga pakiramdam ko involuntarily na nyang
nagagawa yun. Kasi palagi na nyang ginagawa ii, wala ng pagdadalawang-isip. Pak kung PAK! At wag ka~ Kaya nyang mambatok ng
sobrang lakas, as in full force, in just a snap. Ay hindi pala. Masyado pang mabagal ang isang
snap. Mas tama sigurong comparison ang speed of light. Ganun sya ka-imba!
“ Ay grabe!” napahawak na lang si Nanay sa noo. Face palm ulet. “ Hindi na
kita kaya Aya. Suko na ko sayo." Nakataas ang dalawang kamay nya. " Bahala ka na sa buhay mo! Gawin mo na ang gusto
mong gawin. Malaki ka na~”
“ Nay. 5’2’’ lang po ako. Technically, maliit pa ko PO.”
Inambahan na naman nya ko. “ Manahimik ka nga muna!
Patapusin mo ko sa pagsasalita.” Tumigil sya saglit at nag-inhale exhale. Mga 3
times. “ Ok. Malaki ka na! bahala ka ng mag-desisyon para sa buhay mo. Kung anong gusto mong gawin, hindi ka na namin pakekelam. Hindi mo rin naman kami pinagkikinggan di ba? Kaya sige. Bahala ka na~”
“ Yun lang pala sasabihin mo Nanay ii. Hmmm. Sige po.
Salamat po Nanay.” Sabi ko. Niyakap ko sya kahit alam kong mababatukan na naman
ako ng isa. Sanay na ko sa ganun. Araw-araw ba naman. Manhid na ako. “ Pero
ngayong araw Nay, magbabago na po ako.” Bulong ko sa kanya. Bumitaw ako sa
pagkakayakap. “ Paplantsahin ko muna tong uniform ko ha.” Pinakita ko sa kanya
ang naka-hanger na blue checkered skirt at puting blouse na may blue ribbon.
Bago ko pa makitang ngumiti si Nanay, which I assumed, tumalikod na ko at
inayos ang kabayo at ang plantsa. “ Bababa nalang po ako maya-maya pagtapos ko
dito.”
No comment na lang si Nanay. Baka magbago pa daw isip ko
kaya lumabas nalang sya. Nako Nanay. Hindi po mangyayari yun. Hindi na
magbabago ang isip ko.
May gwapo na kong rason para pumasok ee.
0 comments:
Post a Comment