Chapter 2
Target Lock –
Unidentified Identity
Pagkatapos kong maligo at makapagbihis, umupo ako sa kama at kinuha ang kikay kit ko. Matagal na rin mula nung huling beses kong ginawa
to. Matagal na rin mula nung mag-effort ako para sa isang lalaki. Kaya sana
maging effective to. Ayoko namang mukha akong puchu-puchu sa paningin nya pag nagkita
ulet kami. Nakakahiya yun!
Binuksan ko ang aking pink na pouch at kinuha ang face
powder na binili para sakin ni Nanay nung isang buwan. Tinatapat ko sa aking
mukha ang lampshade at nag-umpisa ng
maglagay. Habang ginagawa ko to, hindi ko maiwasang maalala ang nangyari
dalawang araw na ang nakalilipas.
Nakatayo ako nun sa tapat ng isang laptop accessories shop.
Naghihintay ng jeep. Habang nag-ta-tap ang paa ko alinsunod sa beat ng The Boys
ng SNSD, nahagip ng mata ko ang isang mabilis na pulang motor. Dahan-dahan kong
inalis ang earphone ko at itinaas ang brim ng itim kong sombrero para mas
makilatis ng mabuti ang isang potensyal na magandang nilalang.
Cool ang dating nya. Mula sa motor hanggang sa kanya na
naka-itim na leather jacket sa gitna ng tanghlaing tapat. Parang action star
lang. ang GWAPO! Mabilis ang takbo nya at mejo nag-slow down para mag-left turn
papunta sa kinatatayuan ko. Ang smooth ng pagkaka-liko nya. Effortless na
effortless. Nakakahanga talaga ang pagka-magnificent ng moves nyang yun. ANGAS!
Parang yung mga napapanood ko lang sa TV. Ang galing galing~
Nanatili akong nakatayo sa harap ng shop. Hinihintay syang
lumapit sakin. Ilang inches nalang ang layo nya sakin ng nagpreno sya. Nahampas
tuloy ng hangin ang mukha ko. Anak ng pato! Nahulas ang polbo ko dun aa!
Slow motion nyang tinanggal ang itim nyang helmet.
Nasaksihan ng aking dalawang chinitang mata ang kanyang angkin na kagwapuhan. At ang tanging reaksyon ko lang ee: Wow! ang yummy! *kagat labi*
May konting hint ng ngiti sa mukha nya. Mas lalo tuloy syang naging cool. Para
lang tong eksena sa pelikula na naikot-ikot ang camera saming dalawa. taglay
nya ang isang kakisigang naging sanhi ng
pag-nganga ng aking bibig. Grabe talaga! Ang~
“ Hoy miss!” sigaw nya.
“ Yeeeees?” sagot ko naman. Hindi pa rin ako makapaniwalang kinausap
nya ko.
“ Gusto mo bang magpakamatay ha?!”
Nakakunot ang noo nya. Parang mas lalo syang gumagwapo sa expression
nyang yan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Minsan lang ako makakakita ng
isang gwapong nilalang na tulad nya kaya kailangan kong samantalahin ang
pagkakataon. Habang naglalakad ako palapit sa kanya, nakatitig sa nag
gagandahan nyang mata, na-i-imagine kong kinakasal kami. Ako ang napaka-gandang
bride. Nakaputing gown, mahabang belo at may hawak na … cellphone. Tinapat ko
to sa mukha nya at pinindot ang capture button. Narinig ko ang shutter. Mission
accomplished! Level complete!
“ HOOOOY!” tinapik nya ang kamay ko. Nakakunot pa rin ang
noo nya. How kawaiiiii ~^______^~
“ 0935*****41 ang number ko. Madali lang tandaan di ba? ikaw
anong number mo?” tanong ko.
Hindi nya ko pinansin. Nilampasan lang nya ko at nag-park.
Matapos nyang i-lock ang motor at helmet, pumasok na sya sa shop. Lumapit ako
sa motor para maramdaman ang presensya nya. Wow. Ang gwapo ng motor nya. Kasing
gwapo nya.
Pumasok na rin ako sa shop. Nasan kaya sya? Palingong-lingon ako
habang stretch kung stretch ang leeg. Nasan na ba sya? Bakit hindi ko sya makita? Ikot ako ng ikot sa shop, hinahanap
sya. Hanggang sa makita ko sa sya isang sulok namimili ng keyboard protector.
Bago ako sumugod, inobserbahan ko muna sya mula sa anggulong
kong to. Suot nya pa rin ang sagana sa mantika nyang leather jacket. Hindi ba
naglalapot na ang kili-kili nya dahil sa suot nya? Lupet talaga nya. Kung ibang
tao nag pumorma ng ganya, siguradong baduy. Pero kung sya, sus! Siguradong next
hit na sa fashion world. Wala akong makitang ID lace. Nakatago siguro sa loob
ng jacket nya. Kelangan kong Makita nag ID nya. Para malaman ko kung anong
school sya. Mukha pa naman syang estudyante ii. Hindi ako pwedeng magkamali.
Magaling ako ii. Nabuo ko na ang plano sa utak ko. Mabilis kaya akong mag-isip.
Lalo na sa mga kritikal na sitwasyong tulad nito. It is a matter of life and
death ng love life ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Pinulot ko ang isang
kung ano man to para maging props ko. Paglapit ko sa kanya, yumuko ako para
kumuha ng something. Kung ano man yun, chika-chika nalang. Pero pagtingala ko,
“ Yaaaaah!” napasigaw ako ng makita kong sumabit ang kulot at gulo-gulo kong
buhok sa zipper.
“ Wat-da-fuck are you doing there?!”
Pareho kaming nagpanic.
“ May hinahanap lang ako. Sorry.” Pilit kong inaalis ang
buhol ng buhok ko sa zipper nya. Pero mairap takaga. Kaya naman binaba na nya
ang zipper nya. At dun nakita ko ang kanyang mahabang …
ID lace.
Derecho ang mata ko sa ID nya. Kinuha ko to para mas mabasa
ko ng ayos. Malabo kasi mata ko ii.
Ashford Academy.
Eros Mignon.
Senior.
“ Miss!” hinablot nya ang ID nya. Dahan-dahan akong
tumingala at ngitian sya. Natanggal na pala nya ang pagkakabuhol ng buhok ko. Tumayo
na rin ako ng maayos kasi nakakahiya naman tong mala-mag-o-otso-otso-ang-tuwad
pose ko dito.
“ pasensya na ha.” Sabi ko. Tumalikod na ko at tumakbo
palabas.
Nagtatatalon ako sa labas habang nagwawala ang mga kamay. OW
YEAH!
ASTiiiiiiiG TOOOOOO!
Schoolmates kami! Mukhang magiging masaya na ang susunod na
mga araw ng klase.
0 comments:
Post a Comment